27

669 27 2
                                    

ARA'S POV

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. It's so early but I want to spend this whole with my love.

Ngayong araw kase ay dayoff nya at ang alam nya ay mamaya pa ko pupuntang shop.

Makulit kase sya ehh. Ang gusto nya ehh hahatid nya ko sa shop kahit anong mangyari. Ehh pahinga nya yung araw na yon kaya pinipilit kong sabihin na ako nalang at bumawi nalang sya tulog pero ayaw nya talaga. Kaya ito ang napagdesisyunan namin. Kapag day off nya. Before or after lunch doon nalang kami pupuntang shop.

But today gusto ko syang makasawa at makabawi sa kanya sa lahat ng effort nya para sa akin. Nag prepare din ako ang little something special for her. Choss haha. It's a simple healthy sandwich lang ang kaya kong i prepare dahil wala na rin akong oras.

Nagpasundo at nagpahatid na rin pala ako sa isa sa mga tauhan ko sa shop tutal nandoon naman din yung kotse ko.

Pagtapat namin sa bahay nila pasado alas otso bente tress ng umaga ay agad akong nagpaalam sa tauhan ko at nagbilin ng kakaunti. Kahit hindi naman ako bumisita doon ay alam kong aandar yun ng maayos.

Sa gate palang ay todo na ang ngiti ko lalo na at ganoon din si kuya Bert na syang guard nila Tj.

"Hi kuya Bert goodmorningg po" bati ko ng pagbuksan nya ko ng gate

"Goodmorning din sayo Ara. Ang aga mo ngayon ahh may lakad kayo ni Jan?" Ganting bati at tanong naman nya.

At first he always calling me Ma'am but I insisted na tawagin nalang nya ko sa pangalan ko gaya ng ginagawa ni Tj.

"Wala po kaming lakad gusto ko lang po syang sorpresahin. Gising na po ba sya?"

"Ahh oo natanaw ko na sya kanina mukhang maglilinis ng sasakyan"

"Naku talagang babaeng yun oo, dapat nagpapahinga sya ehh" bulong ko na umabot din pala sa pandinig ni kuya Bert

"Eh dinig ko pong usapan nila ni Sir kanina bago sya umalis na may tumawag daw sa kanya kaninang maaga at hindi na daw sya dinalaw ulit ng antok."

"Ahh yun po pala ang dahilan nya. Sige kuya Bert puntahan ko lang po sya saglit ahh.?"

"Sige sige"

Pagkatapos kong mag paalam sa kanya ay nagtungo na ko sa garahe nila TJ at doon ko nga sya naabutang nililinis ang kotse nya

I wonder bakit sya pa ng gumagawa nito samantalang pwede namang pumunta sa may Car wash

She's wearing a Plain black shirt and a simple short but damn she's so hot. Lalo na at itinaas pa nya ang manggas ng kanyang t shirt sa kanyang balikat.

Habang papalapit ay naririnig ko rin na may tumutugtog galing sa Cellphone nya. Kung ang iba ay naka headphones or earpods, sya mas trip nya tong ganito.

"Ang aga aga dapat nagbabawi ka ng tulog ehh" agaw ko sa atensyon nya

Gulat namang napagawi ang tingin nya sa akin.

"Love? What are you doing here? Anong sinakyan mo? Nag grab ka? Nasaan kotse mo? Sinong kasama mo" sunod sunod na tanong nya habang binibitawan ang sponge at hose na hawak hawak nya.

Naghugas muna din sya ng kamay bago nya ko tuluyang lapitan

"Chill lang love isa isa lang ng tanong, mahina ang kalaban." Natatawang sagot ko

She gave me a kiss on my forehead before she kiss me on my lips.

"Paano ka nga napunta dito love?"

"Nagpasundo ako at nagpahatid dito kay kuya Josh dahil alam kong sya lang ang hindi mo pagseselosan."

Be My LastDonde viven las historias. Descúbrelo ahora