Chapter 1- Unpleasant Encounter

7.3K 148 14
                                    




Chapter 1

The sunbathed the spacious loft in soft morning light as I gracefully struck poses for the camera. My manager, Chada, stood nearby, scrutinizing each shot with a discerning eye.


"Kayla, you're doing amazing! These photos will make headlines for sure," Chada exclaimed, her voice filled with excitement.


I flashed a radiant smile. Sobrang laki ng pasasalamat ko kasi binuksan ni Chada yung kaisipan ko. I love what I'm doing. Hindi ko ineexpect na mas mamahalin ko pa ang modeling career ko kesa sa pag-aaral.

"Thanks, Chada! I can't wait to see them. But I need to rush to school soon. I have a deadline for my psychology research project."

Chada raised an eyebrow, pero tumango tango ito. Kahit minsan nahihirapan na rin siya sa schedule ko. Graduating na kasi ako at kailangan kong ayusin 'to.

"I understand, Kayla. Alam kong sobrang importante ng education, lalo na Sen.Narvaez is expecting too much from you. But remember, this photo shoot could be a game-changer for your career. It's essential that you make a lasting impression."

I nodded, alam ko naman yun. Nandito ako sa point na gusto kong maging proud sila daddy sa akin, pero gusto ko rin sundin yung gusto ko.

"I know, Chada. Being the daughter of a senator doesn't mean I want to rely on my family's wealth forever. I want to earn my own money; buy everything I've ever dreamed of." Sa totoo lang all my life nakukuha ko lahat ng gusto ko. Pero this is what you call adulting stage. Kailangan ko na rin kumita para sa sarili ko.

My manager sighed, alam kong support naman siya sa lahat ng desisyon ko sa buhay.

"I admire your drive, Kayla. Your dad is right.  Kailangan mong makapagtapos, you chose this as your pre-law course.  Panindigan mo, okay?

I have no choice but to fake it till I make it.

"You're right, Chada. I can't compromise on my education. I'll find a way to balance both my modeling career and my studies. 'Wag kang mag-alala, ginagawa ko naman lahat para mabalance. I want to be independent and I wanna make my parents proud of me.

My parents wanted me to take law.  I chose Psychology as my pre-law program.  Noong una naman gusto ko tong kurso ko, not until Chada discovered my talent in modelling kaya simula nung nagstart na akong mag part-time model, ay unti-unti na nagbabago yung isip ko pero I don't want to disappoint my parent. 

Lalo na si mom, sobrang dami nitong problema, yung annulment nila ni dad ay naayos naman na, kaso namomroblema rin ito sa negosyo nito.

When I was 19, gumulat sa akin yung revelation ni dad sa media na sobrang nakasakit sa akin.  At simula noon, nawalan na ako ng ganang mag-aral.  Noong una, hindi ko matanggap na hindi lang pala ako ang anak ni dad. 

Pero, sa ngayon unti-unti ko naman ng natatanggap si ate Gianni.  She's really nice and sweet.  At naaawa din ako sa lahat ng pinagdaanan nito.  Muntik na itong mamatay dahil sa kagagawan ng inaakala nitong ama. 

That was three years ago, ang dami na rin nagbago.  Sa totoo lang, sa dami ng dumaan saming problema, napabayaan ko na rin pag-aaral ko.  I was just an average person, I know. 

Hindi naman ako ganoon katalino tulad ng ate ko, pero, I was good naman, my grades were passing, and this year na kung kalian graduating na ako medyo nagkakaroon na ng problema sa ilang subjects ko. Next sem, mag internship na rin ako.  Nabusy talaga ako sa modelling. 

Kaya naman, madalas akong mapuyat at mapagod lately.  Sabay sabay talaga yung projects sa modelling at project sa school. 

Tapos, ang masaklap pa, wala akong sariling sasakyan!  Dad won't buy me one dahil na rin ayaw na ayaw nitong magdrive ako!  He won't buy me, and his excuse ay dapat daw pag ipunan ko nalang yung dream car ko. 

UNDERCURRENTS(GxG)Where stories live. Discover now