Chapter 23- Smitten

2.3K 80 26
                                    

Chapter 23

The next day, a super-sized banner was posted at the gates of Hanson Liu University, a grand proclamation of the upcoming annual acquaintance party.

Yung halos lahat excited dahil matagal na nilang hinihintay ang event na 'to. Lahat yata ng mga students nag-uusap usap about sa damit na isusuot nila. Sa magiging ayos nila sa party at kung anu ano pa. Pero wala ako sa focus doon.

My heart weighed down by an unfamiliar and unsettling emotion.

First, yung nangyari kagabi, yung nasaksihan ko.  Hindi ko pa rin siya maalis sa isip ko, at naging sanhi yun ng puyat ko.  Halos wala akong tulog.  Kaya nga nalate na rin ako sa first period.  Bali Psy Res II na yung class ko.

Pangalawa, hindi ko magawang maexecute yung plan ko na butasin ang gulong ng sasakyan nila Dwayne, kasi naaalala ko yung sinabi ni Miss Freya! 

Kung kahapon desidido ako sa desisyon kong pagganti, hindi na ngayon dahil tuwing gusto kong ituloy, naalala ko yung galit na expression ng mukha ni Miss Freya nang mahuli niya ko.

Kaya wala akong ganang magparty!  Si Blair, sobrang busy niya sa okasyon na to to make this event perfect, pero ako, wala akong gana.  Hindi ko naman masabi kay Blair kasi baka magtampo siya.

I mean, I had been one of the most enthusiastic proponents of these social gatherings. I looked forward to the acquaintance party each year with eager anticipation, delighting in the chance to meet new people, dance to the latest hits, and all that.

But now, as I walked through the university gates on a sunny morning, the vibrant banners and posters failed to ignite that familiar spark of enthusiasm within me.  In short, tinatamad na ko!

The truth is, I just didn't feel like being at school today. The thought of attending the acquaintance party, an event I had once eagerly circled on my calendar, now felt like an obligation rather than an opportunity for enjoyment.

The reasons for my newfound reluctance were complex, but one thing was clear: there was something different, and it had been bothering me for quite some time.  Specifically, last night.

My heart remained heavy, and I found it difficult to muster the enthusiasm to engage with anyone. As we entered the building and navigated through the bustling corridors, heavy sigh escaped my lips as I walked towards the university building.

Ang ganda ng araw ngayon ang liwanag, pero yung nararamdaman ko napakalabo. Malabo pa sa tubig kanal dito sa Pilipinas.

Ugh! Stop thinking, Kayla!

Pinili ko nalang isipin yung class ko kesa sa mga nararamdaman ko. Today, ibabalik na ni Miss Freya yung marked introduction to our research project, and I desperately needed to know whether my meticulously crafted intro had received the approval of my beautiful professor.

"K!" narinig kong tawag ni Blair sa akin, clearly wala rin itong tulog dahil kitang kita ang eyebags nito.  Huminto ako para makasabay ko siya, hinihingal na tumakbo ito papunta sa akin.

"Hey!  What happened?  You didn't update me" she asked worriedly.

I shook my head. "It was pretty clear na sila Dwayne yun, may araw din sila sa akin.  Not now, pero soon" walang kagana kagana kong sagot dito.

"Well, basta support ako kung ano man plans mo sakanila"

Hindi na ako sumagot.  Ayoko nalang lalong mawala sa mood dahil kila Dwayne.

Blair and I reached our classroom and took a seat, the sense of unease intensifying as the minutes ticked by. I glanced at the clock and Miss Freya is a minute late.

UNDERCURRENTS(GxG)Where stories live. Discover now