Chapter 26
Mag isa akong bumaba ng rooftop nang mahimasmasan ako sa mga pinagsasabi ni Miss Freya kanina. Isa sa mga nagpapagulo sa isip ko, yung sinabi niya about sa tattoo niya. What makes her the devil personified? Kasi for me, she is not. Isa isang nagflash back sa utak ko yung mga mabubuti niyang ginawa.
She saved me when I was to get hit by a baseball bat. She was bleeding hard; she was so scared of blood but that didn't stop her from saving me. She is protecting Aya from me, that means she loves her family so much, which makes her a loving sister. She checked my papers dati kahit na super late na iyon. She helped my sister overcome her trauma, and she calmed Estellur down when she had a panic attack.
She is a good person deep down.
Bakit niya nasasabi yun sa akin? Dahil ba isa siyang Liu? Dahil ba gusto niyang tigilan ko na sila? Dahil ba nagkakaroon na ko ng feelings sakanya at nararamdaman niya yun? And what about her? Ano ba yung ibig sabihin niya sa huling sinabi niya sa akin? Am I confusing her as much as she is confusing me?
Fvck! Sa dinami dami ba naman kasi ng tao sa mundo, bakit si Miss Freya pa?
Una, a professor, and a student should have professional boundaries, pangalawa, if I continue these stupid feelings, it may taint her reputation, people may question her professionalism. And I don't want that. Ayoko naman madamay pati si Miss Freya at itong university nila dahil sa nararamdaman ko, na wala naman talaga kasiguraduhan. Maybe it's just a phase. I'm hoping na lilipas din to dahil I am fvcking straight!
"Opps!"
Bigla akong nagbalik sa katinuan nang mapansin kong nandito na ako sa hallway papunta sa grand hall, may nakabanggan din akong matangkad na lalaki. Napatingin ako dito dahil natapon ang wine na hawak niya sa floor nang di sinasadyang mabangga ko ito. Pero nagulat ako sa di inaasahang tao na makakabangga ko, out of all people siya pa talaga!
"Hey! The girl from the party?" Hugo Zhang seemed surprised and delighted to see me here. But I'm not, nairita ako sa pagmumukha niya.
"Yeah. What are you doing here?" malamig na tanong ko sa kanya.
"I was actually looking for Freya. I'm supposed to pick her up. Did you happen to see her by any chance?"
Nanggigigil na napatingin ako dito, medyo dim naman sa lugar kaya hindi ko alam kung napansin niya yung tingin ko sakanya. Nakakairita yung ngiti niya, napaka gwapo niya pero yung tipong nakakairita na.
"Yeah, I saw her. She went home, I think. No, I'm sure. I saw her in the parking lot ready to leave." Pagsisinungaling ko rito. Wala kong pake kung hindi sila magkita ngayon. Mas mabuti na yon.
Napakunot noo ito at tumingin sa akin na parang hindi makapaniwala. Tumingin din ito sa phone nito at umiling iling.
"She's not answering my calls. Baka nga she went home na. Thanks much" he sweetly smiled at me and walked away to the direction of the grand hall's exit.
Buti naman!
Napangisi ako sa ginawa kong kagagahan. I know malilintikan ako ni Miss Freya kapag nalaman niya tong ginawa kong pangti-trip sa fiancé niya. But who cares? It was so satisfying to imagine him going home tapos maabutan niya na wala naman doon si Miss Freya. And then, mag aaway sila, tapos mag bebreak na sila, and hindi na matutuloy ang kasal.
Delulu ka na naman Kayla!
Oo na! Hindi naman aabot sa ganon pero, masaya pa rin na makita silang mag away tapos hindi na sila magkakabati kahit kailan! Ang sarap naman isipin nun.

YOU ARE READING
UNDERCURRENTS(GxG)
Romance[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she's known more for her rebellious attitude than her academic achievements, often brushing off serious...