Chapter 30- Unwanted

2.2K 101 23
                                    

Chapter 30

Kanina ko pa inaabangan yung text ni miss Freya, hindi ko alam kung makakapag exam ako ngayon. Yung class kasi namin this afternoon ay puro attendance lang, so wala naman kaming ginawa, kaya naman nakatambay lang ako sa may school field.

Habang nakikinig ng music gamit ang aking AirPods max. Maingay kasi may mga nagpapractice ng soccer doon kaya naman nakikinig lang ako ng music. Sinubukan ko ring magbasa basa ng notes kahit papano. Pero nahihirapan pa rin akong intindihin.

Blair is still busy with the practice of the opening ceremony, while Aya is busy with their volleyball practice. I don't have much friends, so, I'm alone here. Habang nakikinig ng music, these artists are my go-to jams, total comfort vibes! Coldplay, The Script, and Taylor Swift are everything. Habang nakikinig ay nakita ko sila Benj and Dwayne na nakatingin sa akin, nakangisi.

Naiinis na inirapan ko sila at sinimangutan. Nakakasira ng araw. Dapat pala hindi nalang ako dito tumambay. Makaalis na nga lang, may mga bwisit sa paligid!

I flipped 'em the middle finger before I left, and they gave me the same treatment.

Bloody idiots!

Nanggigil na umalis ako sa bench kung saan ako nakaupo. Sa bench nalang sa harap ng school garden ako tatambay. Tanaw din naman doon ang faculty, at tanaw din ang parking lot kaya mas convenient na tumambay doon. Minsan lang kasi madaming tumatambay na students doon. Mostly magjojowa.

Naglakad ako papunta sa school garden at umupo sa pinaka dulong bahagi doon, sa hindi masyadong kita. Nag-scroll lang ako while listening to the music. Pero napansin ko na may ilang studyante na dumaan sa harap ko.

"Hey there, Miss Kayla!" they greeted me, looking like a bunch of freshies. I just gave them a nod. I didn't really know them, but being a public figure and all, I knew I had to keep my cool. I've got this booming career in modeling, and I definitely didn't want that to go south. So, as much as I could, I had to act nice at them too.

There are other students pa na bumati sa akin, probably because of my viral photoshoot na as of now nasa hundred thousand likes na! Imagine that? Pero, fame comes with a price, I know. As much as I wanted to keep my peace, hindi ko magawa. Gusto ko lang mag relax dito sa garden sana while waiting for miss Freya.

Pumikit nalang ako at nagkunwaring natutulog habang nakikinig ng music, ayoko talaga makipagplastican sa kung sino sino ngayon. Gusto ko nalang matapos ang exam ko, at ng makapunta na ako sa hospital. Tomorrow, maaga pa akong papasok dahil 8am mag start ang opening ceremony and I need to support Blair.

Hindi pa man ako nakakapag pahinga ng maayos ng marinig ko ang usapan ng mga freshies sa likod ko. Medyo malakas kasi iyon kaya kahit nakikinig ako ng music, rinig ko pa rin.

"Wow! Ang ganda talaga ni Miss Freya. Look at her, yung crush mo oh!" sabi pa ng isa, kaya naman bigla ako napamulat at tumingin sa tinitignan nila, si Miss Freya na kakalabas lang ng faculty room, at ngayon ay papunta na sa parking lot. Aalis na ba ito? Wait! Kailangan kong ipaalala na mag eexam ako ngayon, baka nalimutan niya!

Dali dali akong tumayo para habulin ito, pero papunta ito sa isang itim na SUV na hindi naman ako pamilyar dahil hindi naman iyon ang isa sa mga ginagamit niya. Baka bago niyang sasakyan? Bahala na!

"Miss Freya, wait!" sigaw ko rito dahil malapit na itong makaabot sa itim na sasakyan na heavily dark tinted. Mabilis naman itong lumingon ng marinig ako. Nakakunot ang noo nito looking at me with a questioning look.

"Why?" she asked ng tuluyan na akong makalapit.

"I was waiting for your text; I'll have my exam this afternoon" hinihingal kong sagot dito ng tuluyan ng makaharap siya.

UNDERCURRENTS(GxG)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt