Chapter 36-Torn

2.5K 108 20
                                    




A/N:  I'm literally in tears while writing this chapter. First, it's the scene itself, second, it's the song, and third, my busted keyboard!  Hirap magtype kagigil! Haha


Chapter 36


Mabilis natapos ang maghapon na wala naman pumasok sa isip ko, nag class nga pero lumilipad yung isip ko sa conversation namin ni Miss Freya kanina.  Was I being too harsh?  Fine!  Naguguilty ako sa sinabi ko sakanya.  It didn't feel so right telling her things like that pero kailangan kong panindigan. 

Mag-isa kong nilakad ang daan papunta sa parking lot, hindi ko kasabay si Blair dahil may tinatapos pa ito sa OSA.  Si Aya naman ay may practice sila ng volleyball.  Sila kasi yung ilalaban para sa darating na Intercollegiate Volleyball game kaya naman puspusan yung practice nila. 

So, yeah, I'm alone.  I feel like I'm always alone lately.  Ang hirap pala kapag laging busy mga kaibigan mo.  You know that feeling when you wanted to open up so bad about your problems pero wala kang mapagsabihan?  Yeah, ang sakit pala sa dibdib. 

Gusto kong may makausap, yet at the same time I chose to just keep it dahil hindi ko alam kung tama ba na malaman ng iba yung nararamdaman ko which is sobrang mali.

Fvck this feeling!

Napukaw ang pag-iisip ko ng may humila sa akin paharap bago pa ako makarating ng parking lot.  Isang mapwersang kamay!  Isa sa nagpapasira ng araw ko.  Si Dwayne!  Sa likod nito ay ang nanlilisik na mata nila Anika at Benj!  Oh!  Mukhang alam na nila.

"You bitch!"  hawak hawak ako sa braso ni Dwayne ng sobrang higpit.  Halos mabali yung buto ko sa higpit ng pagkakahawak niya.

"What?" patay-malisyang sagot ko sakanya.  May ilang studyante ang napapatingin sa amin, pero ang iba ay wala naman pakialam.

"You did it, right?  You can't lie to us!  I know you did!" si Anika naman na ngayon ay nakaturo na sa akin habang nakatiim-bagang. 

I shrugged my shoulder and responded as calm as possible, "Ano na naman ba to?  Aren't you tired of pulling a stunt?  Because I'm so tired of your bullshits" isa isa ko silang tinignan.  Trying to pretend na wala kong alam sa sinasabi nila.

"You should thank your lucky stars na may ibang tao ngayon, Kayla.  Pero I'm warning you, babalik sayo to, tandan mo yan!"  Sagot ni Dwayne na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.  Feeling ko mamumula iyon.  Sensitive pa naman yung skin ko to foreign germs like him.


"I'm gonna kill you for this!" gigil na gigil pang turo ni Anika sa akin.

"Oh, the Nepo baby.  Why?  You gonna call daddy?  I'm so terrified" still kalmado pa rin ang pagkakasagot ko pero may halong pang-aasar dito, habang nakikipagtitigan dito.   Hindi ako papatalo. While Benj was just smirking at me.

"I don't care if you're the senator's daughter, Kayla Narvaez!  Makakaganti rin kami sayo" si Anika na nagbabanta ang mga tingin sa akin.  Kulang nalang balatan niya ko ng buhay.

"Oh, Anika, do you honestly believe that had me trembling in fear? The only thing truly terrifying about you is having to look at that face every day!" pang-iinsulto ko sa pagmumukha nito na siyang ikinapikon nito sabay hablot sa buhok ko ng mahigpit. 

And damn!  Ang sakit ng sabunot niya sa akin.  Lalaban sana ako pero hawak hawak pa rin ako ni Dwayne sa braso ko kaya naman Anika has easy access on my hair.  Grabe feeling ko mapupunit yung scalp ko sa tigas ng kamay niya!

"Oh bitch!  Sometimes you should learn to bite your tongue" she said at lalo pang hinigpitan ang pagsabunot sa amin.  This time, napansin ko na may ilan na nakakapansin sa amin, pero wala man lang tumutulong.

UNDERCURRENTS(GxG)Where stories live. Discover now