Chapter 46- Aya's pain

2.8K 93 15
                                    

Chapter 46

"He's bleeding.. He's bleeding" nagising ang aking diwa mula sa pagkakayakap kay Freya.  Here she goes again, nananaginip na naman siya.  The last time ay nanaginip rin siya at pareho lang siya ng sinasabi. 

Ano ang ibig sabihin niya sa mga salitang iyon.  Sinubukan ko siyang hawakan pero I saw her flinched.  Same thing she did nung hawakan siya ni Benj sa may forearm niya when Benj was trying to help her carry her laptop that time.

Was it a trauma response dahil sa pananakit sa kanya ng daddy niya? 

Sa likod niya nakakita rin ako ng mga paso na malamang ay galing sa paso ng kandila.  Ganoon ba kademonyo si Mr. Hanson Liu Jr.?  Sa kaisipang iyon ay napatitig ako sa magandang mukha niya.  She was now in pain kahit sa panaginip lang.

"He's bleeding..." patuloy ito sa pagsasalita.  Takot na takot.

Dahan dahan ko siyang hinawakan at saka inalog alog sa balikat, "Frei, frei..." mahinang bulong ko sa tenga nito.  Bigla naman itong napamulat ng mata at nahihintakutan na napatingin sa akin.

"Shhhh, it's okay you had a nightmare.  It's just a nightmare.  I'm here" I cupped her face na ngayon ay nakatulalang nakatitig sa akin.  Maya maya ay nahimasmasan na ito.

Niyakap ko sya ng mahigpit, "you can share it with me when you're ready" I tried to comfort her, I know she has a lot of past traumas based on what she said about her dad.  Pero ayoko siyang pilitin magkwento about it. 

Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso nito, kahit na hindi niya sabihin I know that she's scared.  Hindi ko alam kung gaano siya pinahirapan ng daddy niya.  But one thing I know, mahirap ang pinagdaanan niya sa kamay nito.  Her, flinching with just a touch from guys, alam ko na may trauma siya. 

Kay Hugo lang siya comfortable sa napansin ko.  Sa lahat ng kaklase kong lalaki never niya itong hinayaang lumapit o hawakan man lang siya.  Matagal ko na yun napansin pero hindi ko alam yung dahilan dati.  Pero ngayon na alam ko na, I should protect her, and understand her.

Sunod sunod na katok ang nagpahiwalay sa amin.

I checked my phone, iniabot ko iyon sa gilid ng kama.  It's 2 in the morning na!  Nakakailang oras palang ako nakakatulog.  I turned on the lamp shade rin. 

"Wait, baka si dad yung kumakatok.  You have to hide!" mahinang bulong ko rito habang nakayakap sakanya.  Pero hindi ito nagpatinag.  "Frei, you have to hide c'mon!  Magbihis ka muna" We're just both wearing panties.  Dali dali ko naman hinanap ang night robe ko at sinuot iyon.

Hindi ko naman mahanap yung damit niya na kung saan ko naitapon, kaya naman pinasuot ko nalang sakanya yung pang-itaas na pantulog ko na sinuot ko kagabi.

"Wear this" I ordered.  Walang nagawang tumayo ito at tinatamad na sinuot ang damit ko, "Make it fast, bubuksan ko na yung door, magtago ka muna sa ilalim ng kama"

"No!" naiinis na napasimangot ito.


"Baka kasi si dad.  Tingnan mo nga, it's obvious that we just fucked each other"

"Ugh! I'm still sleepy!" pagdadabog nito, kanina lang ay para siyang baby habang magkayakap kami.  Ngayon naman ay para na ulit itong pusang mangangalmot any time. 

Kahit ay naiinis ay sinunod naman ako nito.  Pumasok ito sa ilalim ng kama at nagtago doon.  Kaya naman binuksan ko na ang kumakatok na ayaw magpapigil.

Naiinis na binuksan ko ang pintuan.  Bumungad sa akin ang ate ko na mukhang alalang alala.

"Hey!  Have you seen Freya?  She's not in her room kagabi pa.  Kumatok ako, wala rin siya do'n"

UNDERCURRENTS(GxG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang