Chapter 12- Dynamic Duo

2K 71 16
                                    




Chapter 12

I was advised to go to Freya's office at around 5:30pm.  I don't know why it should be so late dahil 3pm lang naman sana ang uwian ko today, but I have to wait for another 2 and a half hours.  Okay, but this time I'm not complaining.  Because I wanna see her.

I mean, I wanna see her kasi gusto ko ng maclear yung nangyari kanina.

Yeah, that's it.

Sobrang naging awkward ng pangyayari to the point na gusto ko nalang lumubog sa kahihiyan.  Blair was also worried about me, natatakot sya sa pwedeng mangyari sa akin, plus the fact that we were being paranoid about the pair of earrings. 

Pero sana hindi iyon ang dahilan.  Sana wala syang idea sa ginawa kong pagpasok sa office niya.

At dahil 5:15 na ay nagsimula na akong maglakad papunta sa floor kung saan nandoon ang office ni Freya.  Ayokong mag-isip pero sa totoo lang, sobrang lutang ko ngayon.  ang daming pumapasok sa isip ko, pati na rin yung idadahilan ko mamaya. 

Di ko sure kung maniniwala siya sa akin sa idadahilan ko.  Isa pang kinakatakot ko, baka iparating na naman nito kay dad yung nangyari kanina, and worst baka totally magalit na this time si daddy.

"Oops!" 

Natigil ang paglalakad ko ng bigla akong mabangga ng isang nilalang, nang paliko na ako sa hallway.

Sa inis ay napasigaw ako.

"Watch where you're going you stu-"

I paused agad agad ng mapansin ko si Aya na nakatingin sa akin at nakangisi.

"Woah! I thought we're friends, bakit ba nagtataray ka?  Ikaw na nga yung nakabangga?"

Napatitig ako sa magandang mukha nito.  She's the kind of person na hindi mo agad mapapansin yung ganda, pero kapag tinitigan, lalo mong maappreciate.

"A-Aya, you're here.  What are you doing here?" I asked.

Of course I kinda know, I have an idea na galing na naman ito sa karelasyon nito.  Napaka lakas talaga ng loob nila.  So willing itong maging kabit?  Pathetic.

"I- I just-just walking around" she responded stammering, obvious na nagsisinungaling.

I nodded at nagkunwari na pinapaniwalaan ko yung alibi nito.  But I'm not stupid to buy her alibi.

"Okay, I have to go.  Miss FREYA is waiting for me"  I said emphasizing Miss Freya's name para makita ang reaksyon nito. 

Ngumiti lang ito at tumango, tapos napakamot ng ulo.  Mukhang may sasabihin pa ito pero naglakad na ako palayo rito, pero hindi pa ako masyadong nakakalayo ng nagsalita ito.

"P-please be nice to her"

Napalingon ako bigla sa sinabi nito.  Is she confirming it by trying to protect Freya from me?  Does she know that I hated that girl from the very start?  Does she know everything?

Of course, she does.  They are lovers.

"What do you mean?" Nagkunwari akong walang alam sa pinagsasabi nito.

"She's not the easiest person to deal with.  But, she is really nice." She smiled a little, may lungkot sa mga mata nito.

What happened?  Nag LQ ba ito?  Nakipag break na siguro si Freya?  Or Idk.

"It was just a misunderstanding.  I'm here to explain, don't worry, I'm not gonna kill her" natawa ako sa reaksyon nito ng kumunot ang noo nito.  Patola naman masyado.

UNDERCURRENTS(GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon