Chapter 33
It's been a long tiring and draining day. Pumunta na kami sa kanya kanyang room. Sa isang room, dalawa kami ni Blair dito. Buti nalang at magkahiwalay ang kama dahil ayoko naman talaga ng may katabi. At buti nalang siya yung kasama ko sa room. Si Miss Freya kaya?
Natural si Hugo Zhang ang kasama niya sa room, sino pa ba?
Oo nga naman, what do we expect? Na ako nalang yung kasama niya? Sana nga eh. Pag bali baligtarin pa rin yung mundo, I am her student, and she is my professor. That's just how it is. Sabi nga ni Miss Freya. And Hugo is her fiancé. Wala na akong laban dun.
Humiga ako sa kama at bumuntong hininga. Kanina pa nga nagchachat sa akin si Aya, nakarating sila rito around 1:30pm. Tanghali na kasi silang nakaalis sa city kaya naman inabot sila ng after lunch. Actually, she was asking kanina pa kung nasaan na kami. Pero hindi ko magawang magreply. Yung scenario kanina, paulit ulit lang na nagpplay sa utak ko.
"K, tell me honestly, is there something bothering you?" humiga rin si Blair sa kama nito, habang nakahiga paharap sa akin.
Bumaling ako para makaharap din sa kanya.
"Of course, I'm okay. Why do you ask?"
"Honestly? You're far different from the Kayla I know. Kanina I was talking to you during our seminar, but you were so lost. Like ang layo ng iniisip mo. So, tell me. You can always be honest with me." tinitigan niya ko na parang binabasa ang buong pagkatao ko.
I took a deep breath again. "B...I-I" my voice cracked. Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Gusto kong sabihin lahat pero wala akong lakas ng loob. "I-it's mom. I'm worried about her." I lied. There, hindi ko talaga masabi yung totoo.
"Don't worry too much, hindi naman siya papabayaan nila tito Guzman. Okay? Do you wanna have some fun later? Actually, nag aaya si Aya kanina pa, hindi ka nga daw nagrereply"
Fun? How can I have fun kung ang sakit sakit na? Kung gusto ko nalang itulog lahat ng nararamdaman kong sakit? Ayoko na kasing mafeel to. Feeling ko sasabog na ako anytime.
"What activity can we do here?" I asked lazily.
"Night swimming, but no liquor allowed daw sabi nila sa seminar kanina. Bilin din daw ni Miss Freya. Yun lang. G?"
"Yeah, pwede naman if it's Aya and her teammates. Ayoko makisama sa mga classmates natin, for real" naiinis na sagot ko habang inaalala ko sila Anika. Pasalamat sila hindi ko na sila ginantihan.
"Same. I think si Anika and Dwayne na eh. Bagay sila. Pareho silang chaka" natatawang pagchichika nito sa akin.
Hindi naman talaga sila chaka, hindi lang talaga sila kagwapuhan at kagandahan.
Maya maya pa ay narinig ko na naman nag notification ang phone ko, it was Aya again. Magkakaroon daw sila ng beach volleyball ngayon so she's inviting us to join, tapos night swimming later. Nag aaya din silang mag dinner kami ng sabay with Blair.
Speaking of dinner, maghapon akong walang matinong kain, kanina kasi sa lunch, I totally lost my appetite ng makita ko sila sa dining area ng hotel. Miss Freya and Hugo, sabay silang naglunch and as usual, Hugo was acting all sweet again.
Kaya naman, isa pa yun sa nagpawala ng mood ko maghapon. Parang gusto ko nan ga lang umuwi at matapos to. Pero bakit ba ako magpapakalungkot sa taong wala naman ding pakealam sa akin? Might as well enjoy the rest of the night! Kaya naman dali dali akong nagreply sa kanya.

YOU ARE READING
UNDERCURRENTS(GxG)
Romance[COMPLETED] Kayla Dmello Narvaez has always been a spirited thrill-seeker, thriving on challenges that life throws her way. As a college student, she's known more for her rebellious attitude than her academic achievements, often brushing off serious...