Chapter 20

153 20 7
                                    

Hello, everyone! Before reading on to the last chapter, I would like to announce something here first.

Para sa mga hindi nakakaalam, I am part of Watty Dolls po. Kasama ko sa FB group na ito ang magagaling na manunulat na sina Ms. NimfaBeckOfficial, Ms. dominojavier, Ms. XXdandelleXX at ang aming mga reader. Ang iba rito ay member din doon. Magkakaroon po ng 2nd virtual meet and greet ang grupo (to be announced pa kung kailan).

That being the case, kung interesado po kayo, kindly answer the following questions and send them to wattydolls@gmail.com with the subject title (depende sa author na gusto niyong tanungin):

QUESTIONS_FOR_DOMINOJAVIER
QUESTIONS_FOR_NIMFABECK
QUESTIONS_FOR_DANDELLEGEORGINA
QUESTIONS_FOR_BINGERTHEONGEWENST

1. Ask me the most challenging question you have for me as an author.
2. Name your favorite stories of mine and why.

Please do not forget to include the following for admins' references (this will not be disclosed during the virtual meet and greet):

Full name:
Address:
Cellphone Number:
Date of birth:

PS: Once you send the message, you will automatically have a ticket to the virtual meet and greet.

Kung nakaabot ka rito, maraming salamat po sa pagbabasa. Here's chapter 20 of Keeno's Princess (2023) for everyone. Happy reading! ♥️

Chapter 20

"Ah, sa wakas! Namansin din!" sarkastikong banat ni Keeno.

That hit a nerve kaya hindi ko na napigilan ang sariling magtaray kahit nasa kusina pa kami. "Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang mangialam? Ako ang tinawag, 'di ba? Ba't ikaw ang sumasagot? Ikaw ba si Princess?"

Nakarinig ako ng pigil na tawa mula sa mga kasamahan namin pero nanatili ang mariing tingin ko kay Keeno.

"Ah, so alam mo pa pala ang pangalan ko? Akala ko kasi, burado na sa memorya mo." His voice was dripping with sarcasm at mas lalo pang diniinan ang bawat sambit sa sunod na mga sinabi niya. "Baka lang nakalimutan mo, Chef Princess. Ortega."

Nangunot ang noo ko. "Ano'ng sabi mo?"

"Keeno. Prince. Ortega... ang pangalan ko."

Pagak akong natawa. "Baka ikaw ang may nakalimutan?"

Kumibot ang kanang kilay niya sa tinuran ko.

"Nakalimutan mong idagdag 'yong buwisit. Hindi ba iyon ang first name mo?" Inirapan ko siya at sa paglipat ng tingin ko sa tinatrabahong pagkain, nadaanan ko ng tingin ang nakangiwing si Chef Dakila habang pinaglilipat-lipat ang paningin sa aming dalawa.

Tumikhim ito. "Uhm... mga Chef, awat na po. Gusto ko lang naman pong ipakita ang sunny side up ko."

Narinig ko ang tawa ni Chef Kathrin. "Hayaan mo na muna ang mga iyan, Chef Dakila. Ako na lang ang titingin."

Nagpupuyos ang kalooban na inirapan ko si Keeno. Kung wala lang kami sa gitna ng trabaho, talagang hindi ko siya titigilan. Ibinuhos ko ang sama ng loob sa sina-slice na sigarilyas. Ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko, punong-puno iyon ng paghihinagpis. Gusto kong manigaw.

Hanggang sa pagtatapos ng lunch service, hindi na ulit ako nilapitan ni Chef Dakila. For the first time ever, ito ang in-assign naming maging communard chef. Si Chef Gido ang mag-a-assist dito. Hindi na ako nakisilip kasi baka maibaling ko lang sa dalawa ang init ng ulo ko. Ako na ang nag-flip ng closing sign namin sa labas at pagkatapos ay dumiretso na ako sa opisina.

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now