Chapter 12

222 22 14
                                    

Chapter 12

Dahil sa inis ko kay Keeno at sa sarili kong reaksiyon kanina, right after I went out of his building, hindi ko na inisip pang magkakaroon pa ako ng pagkakataong bumalik doon. Kung may pagpipilian, hindi ko na gugustuhin pang muling pumasok doon.

But not when I knew my cousin was in there crying her eyes out when she called me up without even telling me why.

Nang lumakas ang mga hikbi nito, ilang beses ko itong tinanong kung ano'ng nangyayari, kung nasaan ito at kung bakit patuloy ito sa pag-iyak. Kahit isa ay wala akong nakuhang matinong sagot. Napapamurang pinatay ko ang tawag at hinanap ang pangalan ni Keeno sa contacts. And that was how I found out that Xandie was in his place.

While on my way to them, I couldn't help but question myself for not noticing that something was wrong with my cousin. Bakit hindi ko agad naisip iyon nang makita kong sarado ang shop nito kanina? Hindi ito nagsasara ng shop nang walang mabigat na dahilan lalo na at Monday.

Nang makaakyat ako sa pad ni Keeno—na hindi ko alam kung paano ko nahulaang nasa tamang palapag na ako dahil pinindot ko lang ang up button nang dalawang beses mindlessly, bungad na bungad sa akin kung paano siya nagpipigil ng galit habang nakatingin nang mariin kay Xandie.

Kagaya ng opisina niya sa ibaba, dalawa sa apat na sulok ng kabuuan ng pad ay gawa sa salamin ang dingding kaya kitang-kita namin ang night lights mula sa siyudad. The rest of the interior ay puro kahoy na. Navy blue ang kulay ng nakalatag na carpet sa gitna ng living room. Gawa naman sa kahoy ang dalawang mahabang sofa na pinagtabi kaya naging L-shaped. Side table ang naghihiwalay sa mga iyon. An egg chair in a shade of the same color was situated in front of the couches. A floor lamp was right beside it. At sa gitna ng mga iyon ay nakapuwesto ang hugis-convex pentagon na coffee table. It was made of maple hardwood.

Kuyom ang isang kamao ni Keeno habang nakahalukipkip at nakasandal sa dingding na salamin. He appeared to have glued himself against it on purpose para siguro ay hindi niya masindak ang umiiyak na si Xandie na ngayon ay nakaupo sa isa sa dalawang mahabang sofa.

Malakas at panay ang hikbi nito habang nakatakip ang mga kamay sa buong mukha. Yumuyugyog din ang mga balikat dahil sa matinding pag-iyak.

"Xandie..." hinihingal na tawag ko pero si Keeno ang lumingon.

Madilim at malamig ang titig niya. Halata roon ang poot pero ramdam kong hindi para sa akin.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga binti ko nang magsimula akong humakbang patungo sa kinauupuan ng pinsan ko. Naupo ako sa tabi nito at agad itong niyakap. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin kay Keeno na mariin pa rin ang tingin sa amin. "Ano'ng nangyari, Keeno?"

Umigting ang mga panga niya bilang sagot.

Hinagod ko nang marahan ang likod ng pinsan ko. "Xandie, please tell us what happened," masuyong pakiusap ko.

Umiling lang ito habang walang patid pa rin sa pag-iyak. Saglit nitong ibinaba ang mga kamay bago ibinalot sa akin para gumanti ng mahigpit na yakap. "Princess..."

Napatingin ako ulit kay Keeno at kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata nang magtama ang mga paningin namin. Muli siyang napatiim-bagang bago nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko, may biglang pumiga sa puso ko dahil doon. May namumuo nang ideya sa utak ko kung bakit umiiyak si Xandie pero ayokong buuin dahil nararamdaman ko na rin ang pangingilid ng mga luha ko.

"Si Justin..."

Napapikit ako pagkarinig sa pangalang iyon. No... He promised...

"What did I tell you, Alexandie?"

Muli akong nagmulat nang marinig ang tila pagod na boses ni Keeno. Kalmado lang iyon pero ramdam pa rin ang galit. Nakaharap na siya sa salamin at kahit hindi ganoon kaliwanag sa puwesto niya ay bahagya ko pa ring nakikita ang repleksiyon niya. He looked sad and angry... and defeated at the same time. Nakapamulsa na ang dalawa niyang kamay at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now