Chapter 8

209 23 7
                                    

Chapter 8

When I told Xandie and Justin about the dare I supposedly had with Keeno, it was only to save him kasi literal na nanigas siya sa kinatatayuan nang makaharap bigla ang dalawa. Ang sabi ko, mas marami akong nai-serve na order sa Kitchen kaysa sa kanya. Pagkatapos ay ginatungan naman niyang kailangan niya raw akong ipagluto bilang punishment. Na sinabi ko namang madodoble kung hindi niya magagawa within the day.

I had no idea we could lie so well together. Hindi namin iyon pinag-usapan beforehand kasi ang plano nga niya, takasan ang dalawang magkasintahan. Kung ano lang ang pumasok sa utak ko no'ng time na alanganin siya, iyon ang lumabas sa bibig ko. Dinugtungan naman niya nang walang kahirap-hirap.

Sa sobrang in sync namin, mukhang nakalimutan niyang walang katotohanan iyon.

"Halika na't ipagluluto pa kita."

At sa hindi ko na alam kung ilang beses na pagkakataon, inunahan na naman niya ako sa paglalakad nang hindi hinihintay ang sasabihin ko.

Ilang saglit pang napaawang ang mga labi ko sa gulat bago ako natatawang sumunod sa kanya. Mapang-asar ko siyang hinampas sa balikat nang muli kong maabutan. "Dinibdib mo naman masyado! May I remind you na wala namang dare na naganap? Pero siyempre, kung gusto mo akong ipagluto, hindi naman ako magrereklamo!" Ginantihan ko ng malaking ngisi ang sama ng tingin niya.

"Magluto kang mag-isa mo." Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng aisle na ilang beses na naming naikot kanina.

"Ang sensitive naman nito!" pangangantiyaw ko pa rin habang nakabuntot sa kanya.

Hindi na niya ako ulit kinibo hanggang sa makapila kami sa checkout counter, hanggang sa makabayad kami at hanggang sa makabalik kami sa kanyang kotse. Natatawa pa rin ako pero hindi ko na ulit tinukso dahil paglapat pa lang ng likod ko sa upuan, naramdaman ko agad ang pagod na kanina pa inirereklamo ng likod ko. Pagka-recline ko sa upuan, hindi ko na namalayan at tuluyan na akong iginupo ng pagod.

Nagising lang ako ulit nang marinig ko ang boses niyang may kausap sa cellphone.

"Yes po, Tito. Iniuwi ko na."

Nag-unat ako ng mga braso at nang mapalingon siya sa akin habang ang kaliwang kamay ay nasa manibela, inaantok na nginitian ko siya. It was meant to be the kind of smile that usually annoyed the hell out of him, pero dahil hindi pa bumabalik lahat ng energy ko, ang hina ng dating na parang nilalambing ko siya. Eww.

Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko at hinintay siyang matapos sa pakikipag-usap na sa tingin ko ay kay Tito Vince. Sa loob-loob ko, napailing na lang ako. Talagang tinawagan niya para i-check sina Xandie at Justin siguro.

Umiba ako ng puwesto, paharap na sa pinto ng shotgun seat. Hindi pa nag-iisang segundo nang muli akong magmulat dahil parang hindi naman na umaandar ang sasakyan. Napabangon ako bigla nang makitang nasa labas na pala kami ng building ng condo.

Nilingon ko agad si Keeno pero hindi man lang siya nabahala sa naging reaksiyon ko. Tinapunan niya lang ako saglit ng tingin habang patuloy pa rin sa pagtango sa kung anong sinasabi sa kanya ni Tito Vince mula sa kabilang linya.

"Kanina pa ba tayo rito? Ba't hindi mo ako ginising?"

"Hindi ko naman po 'to ihuhulog sa bangin. She'd kill me first before I could even try."

"Hoy!"

Tinangka ko agad kunin mula sa kanya ang hawak na cellphone ngunit mabilis siyang umilag. Inilipat niya iyon sa kaliwang tainga at nagpatuloy pa rin sa pakikipag-usap kahit gusto ko na siyang sabunutan.

And I did.

"Ow!" malutong na reklamo niya. On instinct, dahil nasaktan siya sa ginawa ko, naiangat niya ang kanyang kanang braso at hindi sinasadyang nabigwasan ako sa mukha ko.

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now