Chapter 2

268 27 2
                                    

Chapter 2

"Hi, buwisit! What's up?"

Iyon agad ang bungad ko pagkasagot ng tawag matapos kong makita ang pangalan ni Keeno sa screen ng cellphone ko. Pero siyempre, bago iyon ay hinayaan ko munang mag-ring nang ilang beses. Kapag hindi siya tumawag ulit, talagang hahayaan ko lang at hindi ako magtatanong kung ano'ng problema niya o kung ano ang kailangan niya. Ang kaso, mukhang importante kasi pagka-drop ng call, hindi pa nag-iisang minuto ay tumawag na ulit.

"Princess," tawag niya sa akin mula sa kabilang linya. Seryoso iyon at tila nagbabanta.

Dahil allergic kami sa isa't isa, never kaming nagtawagan kung hindi importante. Si Xandie ang nag-save ng number niya sa contacts ko at malamang ay ganoon din ang ginawa nito sa kanya. No'ng first time kong makita iyon, binura ko agad. Pero napilitan din akong hingin ulit sa pinsan ko dahil sa mga magulang ko.

My parents were in the same industry as Keeno. He was the sole heir of the Ortegas, who owned the biggest grape plantation in the Philippines at isa sa mga matatagumpay na wine manufacturer ng bansa. Sa Cebu matatagpuan ang kanilang plantasyon na mina-manage ng kanyang mga magulang at ibang mga pinsan. Sa Makati naman ang main office ng Ortega Winery kung saan nakabase si Keeno. He was an enologist, a winery operations manager, and a distributor. So mula harvest planning hanggang wine distribution, sakop ng trabaho niya.

Mahilig naman sa wine sina Daddy at Mommy. Isa sa mga masasabing successful na bottle manufacturing company sa bansa ang Tuazon Classics na itinayo ng mga magulang ko bago sila nagpakasal noon. Tuazon Classics ang main supplier ng wine bottle na ginagamit ng Ortega Winery. At ang mga magulang ko naman, sa Ortega Winery lang kumukuha ng paborito nilang wine. Iba pa ang order nila sa ibinibigay na complimentary ni Keeno. Sa sobrang consistent nga niyang magbigay ng wine, minsan nang nahiling sa akin ni Daddy na pakasalan ko na lang daw ang buwisit na iyon.

Yuck!

Isa talaga iyon sa mga dahilan kung bakit ayokong makisawsaw sa negosyo nila ni Mommy. Hangga't maaari, ayokong nasa iisang mundo kami ni Keeno. Sapat na 'yong best friend siya ng pinsan ko at paborito siyang winemaker nina Daddy. Ayokong pati sa trabaho ay magkakapalitan pa kami ng mukha. Although may sarili naman akong wine room sa Kitchen Princess, kay Daddy dumadaan ang orders ko at hindi directly from him.

Noong crush ko pa siya, isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay ang lalim ng kanyang boses. Maganda ang tono at timbre. Malalim na iyon pakinggan sa personal pero ngayon ko lang nalaman na may mas ilalalim pa pala iyon kapag ganitong sa phone call ko maririnig.

Napatikhim tuloy ako.

Sayang. Kung hindi ba naman kasi masama ang ugali...

Mula sa kabilang linya, dinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. "Don't start."

Nagpigil ako agad ng tawa. "Ano ba iyan? Pikon agad!" pamimika ko sa kanya. Kung kaharap ko lang siya, kanina pa ako naghawi ng buhok sabay evil laugh. Siya itong tumawag, siya pa itong galit agad. Hindi pa ako nagsisimula, talo na siya agad.

"Nasaan ka?" seryoso pa ring tanong niya, mukhang ayaw patulan ang pang-iinis ko. Eh, kapag ganito pa naman, mas lalong gusto kong mang-inis.

"Missed me?" I grinned. Pagkatapos ay saka ako kumagat sa hawak kong Kit Kat at maingay na nginuya iyon.

"Yuck!" nandidiring react niya. Sa tono pa lang ng boses, alam ko nang nakasimangot na siya nang todo at nagpipigil nang maninghal.

Malakas na halakhak ang isinagot ko roon. Naagaw ko tuloy ang atensiyon ng dalawang kaibigan ko. Si Czei, mula sa inii-slice na moist chocolate cake, napa-side glance sa akin. Si Rhyne naman na nakaharap sa dala nitong laptop dahil kahit napag-usapan na naming bonding time namin ngayon ay hindi pa rin nagpaawat magdala ng trabaho, napaangat din ng tingin sa akin. Nasa dining room kami ngayon ng mga Suarez.

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now