Chapter 6

226 21 14
                                    

Chapter 6

Nakatulong ang init ng ulo ko sa trabaho. Mula nang dumating ako sa Kitchen Princess, maliban sa short bardagulan namin kanina ni Keeno sa office, wala na muna akong ibang kinausap. 'Yong urge kong sumigaw kanina dahil sa inis at panggigigil, ibinuhos ko lahat sa pagtatrabaho. Naramdaman din yata ng team ko na bad mood ako ngayon kaya wala ni isa ang sumubok makipag-usap sa akin. Kapag may kailangan sila sa akin, si Keeno ang nakikita kong nilalapitan nila.

Si Keeno naman, ewan ko kung bakit nasasagot niya lahat ng kailangan ng mga kasamahan ko. Ngayon pa lang 'to nakatapak sa kusina ko, and yet wala man lang akong maramdamang pangangapa mula sa kanya. I had no idea kung dahil ba iyon sa suot niya ang toque blanche ko o dahil sa apron na kahit medyo maliit sa kanya ay hindi awkward tingnan, pero 'yong aura niya, bagay na bagay talaga rito sa kusina. Sabi ko nga, parang siya pa ang boss kaysa sa akin kahit ako itong naka-complete uniform.

Nang matapos ang breakfast service, pagkalagay ko ng closed sign sa pinto ng restaurant, saka lang ako nagpasyang magpahinga. Saka ko lang din naramdaman ang gutom na hindi ko pinansin kanina. Pero sa halip na bumalik sa kusina, sa office na muna ako nagtungo para magpalamig. Although heavily air-conditioned naman ang buong restaurant, pinagpapawisan na ako dahil kanina pa ako babad sa kusina.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ng office, nahagip na agad ng mga mata ko ang bagong swivel chair na nababalot pa ng plastic sa right side ng desk ko. Pero agad na nanuot sa pang-amoy ko ang bango ng bagong lutong fried rice kaya nawala roon ang atensiyon ko. Usually, dahil immune na ako sa amoy na nasasagap galing sa kusina, mahirap nang i-please ang sense of smell ko. Kasi nga, nakasanayan na. Kaya alam na alam ko na hindi luto ng mga kasama kong chef ang nakahanda sa tray na nasa desk ko.

Ang overall interior ng Kitchen Princess, brick and wood. Bawat sulok ng restaurant, ultimo pati mga gamit, made of brick and wood. Marami ngang nagtataka no'ng unang bukas pa lang 'to kung bakit daw no pink in sight at hindi Disney-themed, eh may princess sa pangalan. Ang katwiran ko, bukod sa pangalan ko, mahal na mahal ko ang pagluluto. I'm not Princess if I'm not cooking. Pink ang paborito kong kulay at maarte akong tao pero pagdating sa kusina, hindi iyon applicable. At home ako sa pagluluto and I wanted to feel that vibe kahit nasa trabaho ako. At the same time, gusto ko ring maramdaman ng mga kakain na they could be as comfortable here as they wanted, as long as hindi sila makakagulo sa ibang mga customer. Hence, the brick and wood interior, which would provide a rustic-chic vibe and a sense of homey warmth.

Kaya mismong tray na pinaglagyan ng breakfast sa table ko, gawa rin sa magandang hardwood. Ganoon din ang ginamit na bowl, plato, kutsara't tinidor at ng dalawang basong naglalaman ng umuusok pang dark chocolate drink at orange juice naman sa isa. Sa plato nakalagay ang iba't ibang ulam—tortang talong, beef tapa at danggit—na may kasama pang sawsawan. May isang half-piece ng toasted bread pa sa gilid. Sa bowl naman nakalagay ang garlic fried rice with a sunny-side up egg on top.

Bahagyang nawala ang simangot ko pagkakita sa itlog. Half-cooked iyon... just the way I loved it. Pero paglipat ng tingin ko sa chocolate bar na nasa gilid ng dalawang inumin, napaismid ako. Dark chocolate din ang nakalagay na Kit Kat doon.

Ano 'to? Suhol? Mabuti naman at alam niyang hindi ko lang basta-basta trip ang init ng ulo ko sa kanya kanina.

Inalis ko ang suot na hairnet cap at spit guard. Nagpalit na muna ako ng kulay-abong T-shirt bago ko hinarap ang suhol na inihanda niya.

Unang subo ko pa lang, napairap na ako sa katabing swivel chair. Muli akong sinampal ng rason kung bakit hidden dream ko talaga ang mai-serve ang mga luto niya rito. Ginagamit ko rin naman ang mga ingredient na ginagamit niya. Pero bakit kapag siya ang nagluto, iba ang lasa? Mas masarap. Ang homey sa pakiramdam. Parang luto ng nanay pagkatapos ng nakakapagod na araw. Nakakawala ng init ng ulo. Napapapikit pa nga ako habang ninanamnam ang bawat subo at nguya.

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now