Chapter 14

249 23 5
                                    

Chapter 14

Hindi pa man sumisikat ang araw, nasa Kitchen na ako. Ang ilap ng antok sa akin ngayon. Hindi ko alam kung dahil iyon sa dami ng nailuha ko, sa kirot ng dibdib ko na hindi ko alam kung paano papawiin, sa yakap na ibinigay sa akin ni Keeno o sa hindi pa rin pagre-reply sa akin ni Xandie.

Pakiramdam ko, nagkabaligtad kami ni Keeno. Ako na ngayon ang napa-paranoid sa mga kaganapan. Dati naman kasi, open sa akin si Xandie tungkol sa lahat. Ngayon, pakiramdam ko, ang dami na nitong inililihim sa akin. This must have been what Keeno felt when he found out that we had all met Justin at siya na lang ang hindi. Kasi ngayon, dahil sa mga inaakto nilang dalawa, pakiramdam ko ay may hindi sila sinasabi sa akin. And I didn't like the rift it was creating between us. Lalo na sa amin ni Xandie. At alam kong hindi iyon maaayos kung hindi ko rin aayusin ang sa amin ni Keeno.

Nakaka-drain ng energy umiyak. Hindi ako iyaking tao pero kapag naiiyak ako, ang kasunod niyon ay tulog. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayon, kahit nararamdaman ko na ang antok at ang bigat ng talukap ng mga mata ko, hindi ko magawang matulog. Bumangon na nga ako at kahit nasa kalagitnaan ng gabi ay nag-work out ako. I tried to exhaust my body in the hopes of exhausting my mind, but it was futile. Ayaw magpatalo ng utak ko.

Ang ending, matapos kong magpahinga, naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na para magtungo sa Kitchen. Kagaya ng nakasanayan, nilakad ko lang iyon at habang palapit nang palapit, iniwasan kong tapunan ng tingin ang kabilang street para hindi ko makita ang Xandie's World... para hindi ko na maalala pa kung ano ang mga naganap nang nagdaang gabi. As if naman may magagawa pa iyon kung buong gabi na ngang pinagninilayan ng utak ko ang mga nangyari.

Ang pinaka-effective para iwasan ang mga iniisip, abalahin ang sarili. It was proven ineffective na sa akin sa nagdaang mga oras pero sasamantalahin ko na lang din ang pagkakataon para maging productive. First time kong maunahan si Keeno sa Kitchen at literal na mag-isa lang ako ngayon sa restaurant kaya bawat tunog na nililikha ng galaw ko, ume-echo sa paligid.

Sa kusina lang ang tanging bukas ang ilaw kung saan gumagawa ulit ako ng chocolate bar. This time, dinamihan ko na ang ginawa para mabigyan na rin si Xandie. Okay, fine. Parang bribe na rin to get her to talk. Mahilig din iyon sa tsokolate gaya ni Keeno.

After stocking them up in the mini fridge, saka lang ako naupo sa harap ng desk para sana simulan na ang pag-aayos ng schedule namin for the next fifteen days. Pero paglapat pa lang ng likod ko sa malambot na backrest, iginupo na ako ng antok.

Sa wakas.

Sa muli kong pagmulat, binati ako ng nakahandang breakfast sa desk ko. Umuusok pa ang fried rice na nakalagay sa wooden bowl at ang hot chocolate sa tabi niyon. Napatuwid ako ng upo sabay hinat ng mga braso nang maramdaman ko ang mahinang pagbagsak ng coat sa kandungan ko. Bumaba ang tingin ko roon at saka lang nanuot sa pang-amoy ko ang bango ng pabango ni Keeno.

Nandito na siya? Ano'ng oras na kaya?

Hinarap ko ang breakfast sa desk at tinikman ang ulam na naroon. Habang nginunguya iyon, nahagip ng paningin ko ang Kit Kat.

Nandito na siya.

Napabuntong hininga ako bago tumayo. Paglabas ko, sarado pa ang restaurant. Bukas pa rin ang ilaw sa kusina pero may ibang tao na roon.

Keeno, in his own chef's uniform, was already at his station, cutting, dicing, and chopping the ingredients we would need for breakfast service.

Napasandal ako sa hamba ng cased opening sabay halukipkip. Dumako ang tingin ko sa paligid at nakitang nakahanda na ang mga utensil at equipment na gagamitin namin for the day.

Normally, I'd be irritated if someone who wasn't working in my kitchen touched my things without my permission, but because it was Keeno, I didn't. I trusted him with the dishes he could serve without tasting them kasi alam kong may talent talaga siya sa pagluluto. Hindi ko lang ma-acknowledge noon nang harapan kasi buwisit na buwisit ako sa kanya. At ganoon din siya sa akin kaya naman ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mapapapayag ko siyang magtrabaho sa kusina ko. Minsan nga ay nagugulat pa rin ako kapag nakikita ko siyang nakabihis bilang chef. Hindi ko namamalayang tumatagal ang titig ko sa kanya.

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now