Chapter 18

245 25 8
                                    

Chapter 18

"Hija, baby, what happened to your eyes?" nag-aalalang bungad sa akin ni Mommy nang makita ako paglabas ng kusina.

Bigla akong nandilat ng mga mata dahil katatapos pa lamang ng breakfast service namin at kahit may closed sign na sa double doors sa labas, may mga ibang kumakain pa rin at dinig na dinig ang tanong na iyon ni Mommy. Ganoon din ang mga kasamahan kong naghahanda na ng magiging brunch namin bago mag-proceed sa preparation para sa lunch service mamaya.

"Umiyak ba ang baby ko?"

Mas lalo akong pasimpleng nandilat nang malapitan na ako ni Mommy. Hinawakan pa nito ako sa mga balikat para tingnan nang maayos ang hitsura ko. Hindi ko naman hinayaan at agad kong niyakap.

Mula sa pag-iikot ng paningin sa paligid at sa panaka-nakang pagtango sa mga bumabati kay Daddy, ibinaling nito ang tingin sa amin ni Mommy. Naroon pa rin ang matipid na ngiti sa mga labi nito nang umangat ang kaliwang kamay nito para tapikin ako nang mahina sa kanang balikat. "Busy day, baby?"

Tumango ako. "Pero kasasara lang po namin. Sa office po muna tayo, Mom, Dad."

Humilig si Mommy sa balikat ko nang pakawalan ako at nanatiling nakapulupot ang kanang braso sa baywang ko habang papasok kami sa opisina. "Ilang araw ka na naming hinihintay sa bahay. Huling kita natin, sa engagement party pa ni Alexandie."

Pasimple na naman akong napangiwi nang mahimigan ang pagtatampo sa boses nito. Mag-iisang linggo na rin kasi mula nang makabalik sila from Australia and another isang linggo na naman bago luluwas ulit papunta roon. At sa loob ng isang linggong lumipas, hindi pa ulit ako nakatapak sa bahay namin. Bukod sa kulang kami sa tao ngayon dito sa Kitchen at super busy, sinadya ko rin talagang huwag munang magpakita dahil ilang araw nang mabigat ang loob ko at alam kong sa oras na makita nila ako, mahahalata nila agad iyon at hindi ko na naman maaawat si Mommy sa pang-uusisa.

Ang balak ko sana, sa bahay namin ako uuwi mamayang gabi since Monday na ulit bukas at rest day ko ulit. Ang kaso, kung hindi ba naman ako isa pang buwisit din na naglasing kahapon sa Mico Moco. Mabuti sana kung uminom lang ako beyond my limit, eh ngumawa rin at ayaw paawat. Hanggang ngayon tuloy, pakiramdam ko ay namamaga ang buong mukha ko dahil sa pamumugto ng mga mata ko.

Hanggang ngayon, kapag naiisip ko kung paano ako umakto sa bistro kagabi, gusto kong ilibing nang buhay ang sarili ko at bumangon na lang kapag kaya ko nang lunukin ang kahihiyan. Nakakahiya kay Kuya Mico. Nakakahiya sa Lyricbeat. Kung sina Rhyne at Czeila lang ang kasama ko, walang problema kahit magkalat pa ako. Ang kaso, lahat ng miyembro ng banda, naroon. Dumaan pa nga raw pati ang manager ng mga ito na si Ms. Ashley at naabutan ako sa ganoong estado. Dinaig ko pa ang pinagtaksilan kung makapaglupasay, buwisit.

Kaya rin hindi ko magawang sumagot agad sa tanong ni Mommy kasi sobrang halata para magrason ako ng kung ano-ano. Malalaman din nila agad kung magsisinungaling ako. Ang nagawa ko na lang, tumakas saglit pabalik sa kusina para kumuha ng makakain namin. Naabutan ko pa si Chef Kathrin, bitbit na ang isang wooden tray na puno ng merienda, palabas ng kusina para siguro dalhin sa opisina ko. Pinigilan ko ito agad at muli kaming pumasok.

"Bakit, Chef?" nagtatakang tanong nito.

"Time first," nakangiwing sagot ko bago inilapag sa counter ang tray na kinuha ko mula rito. Umabot ako agad ng isang baso at nagsalin ng tubig mula sa dispenser at tinungga iyon.

"Bakit?" natatawa nang ulit nito.

Ngiwi lang ang naisagot ko.

"Tinanong ka sa mga mata mo, 'no?" tamang-hula nito. "Kami rin naman. Wala lang nagtatanong kasi alam naming mabigat ang dahilan. Ilang araw ka nang matamlay, then the following day, papasok ka na lang na maga ang ilalim ng mga mata."

Keeno's Princess (2023)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin