Chapter 11

252 22 5
                                    

2-3 weeks pa raw ang hihintayin ko sabi ng Beebly PH. Pero ilalapag ko na rito ang magiging book cover nito roon 'cause 'di ko na kayang magtago hahahaha! Kung gaano ka-light itong story, ganoon naman ka-dark ang cover and aylabet! Napakaraming pasasalamat sa artist na si Ms. Heynette. Ang galing-galing! ㅠㅠ

 Ang galing-galing! ㅠㅠ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 11

Even before I was allowed to drink, I had always been fascinated with wine. Bata pa lang kasi ako ay exposed na ako sa manufacturing business nina Mommy at Daddy. Naalala kong panay ang tanong ko noon kung saan ginagamit ng mga tao ang mga boteng ginagawa at binebenta nila. And then, siyempre, my growing interest was piqued even further when I saw their wine collection.

But I never imagined I'd have the opportunity to see a massive cellar like the one Keeno had suddenly presented to me. Kung ganito na kalaki rito, ano na lang kaya ang nasa Cebu? Walang-wala ang wine room ko rito. Ang laki at ang lawak! Kung gaano kalaki ang buong building, ganoon din kaluwang ang space na inilaan para sa underground cellar.

Paglabas na paglabas namin, ang unang bumungad sa amin ay ang cartwheel na may naka-display na dalawang magkaibang laki ng bote ng wine at dalawang goblet. It was like an invitation for us to drink and, at the same time, a summoning to an entirely different world. Dahil ganoon ang pakiramdam nang muli kong ilibot ang aking paningin.

Tila isang library ang buong paligid. Ang kaibahan lang, sa halip na libro ang makikita ay puro mga wine ang naroon. Lahat ng boteng ginamit ay alam kong galing sa Tuazon Classics, iba't iba lang ang laki at disenyo. Bawat bote, may logo ng Ortega Winery. At hindi ko pa man natitingnan lahat, hindi na maarok ng utak ko kung gaano karami ang nandito.

Nagtuloy-tuloy sa pagpasok si Keeno. Ako naman, hindi magkamayaw ang mga mata sa pagpaparoo't parito at hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa bawat boteng nadadaanan ko ng tingin. Hindi ko na mabilang nang maayos kung ilang shelf—na magkabilaan—ang nilampasan namin ni Keeno. Pero nang marating namin ang pinakadulo, nakita ko ang magkakapatong na barrique. Floor to ceiling. Napapagitnaan iyon ng malaking wine closet na gawa sa salamin ang double doors kaya kahit sarado ay kitang-kita ko pa rin ang mga mamahaling wine sa loob.

Nang buksan iyon ni Keeno, hindi ko na napigilan.

"Wow..." I breathily whispered.

What was inside was a collection of some of the Ortega Winery's early releases. At nasa pinakagitna niyon ang Prince of the Ortegas. Ginawa iyon ng mga magulang niya nang ipinagbuntis siya kaya halos kaedad niya iyon. Kaya may Prince din sa pangalan niya. Siya ang nag-iisang anak at siya rin ang nag-iisang lalaki sa kanilang magpipinsan. Siya ang nag-iisang magdadala ng kanilang apelyido.

Ang red wine na iyon ang minsan kong pinang-asar sa kanya. Sobrang natawa kasi talaga ako nang maikuwento noon ni Xandie na pangarap daw niyang gamitin iyon sa mismong araw ng kanyang kasal. Sa sobrang suplado niya kasi, hindi halatang may romance na dumadaloy sa dugo niya. Ang akala ko kasi, puro dark chocolate at wine.

Keeno's Princess (2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon