Chapter 7

214 22 8
                                    

Chapter 7

"Keeno!"

"Halika na," seryosong aya niya. Binalikan niya ang naiwang cart at itinulak iyon patungo sa kabilang direksiyon. Ni hindi na nga ako hinintay at tila atat na atat makalayo.

Humabol ako agad. "Keeno, ang arte mo, ha!"

Sa ibang pagkakataon, kapag sinabihan ko siya ng gano'n, hihinto siya at babatuhin ako ng irap. Pero ngayon, wala. Talagang iiwan niya ako rito kung hindi ko siya pipigilan o susundan. Napilitan akong bilisan ang mga hakbang ko kahit pa ramdam kong nagreklamo agad ang paltos sa kanang paa ko.

"Hoy, Keeno! Saglit nga lang! Ang arte naman nito—"

Hindi ko na natuloy ang litanya ko dahil hindi ko pa man naaabutan si Keeno ay bigla na lang sumulpot sa unahan niya ang dalawang taong gusto niyang takasan.

"Keeno!" maluwang ang ngiting tawag sa kanya ni Xandie. Kahawak-kamay nito ang boyfriend.

Natigilan siya. More like nanigas sa kinatatayuan dahil tumigil yata siya sa paghinga at hindi na umaangat-baba ang bandang likod ng dibdib niya. Bago pa man iyon mahalata ni Xandie ay nilapitan ko na siya't agad na isinukbit ang kaliwang braso sa kanyang kanan.

"Uy, Xandie! Nakauwi na pala si Justin! Hello!" masayang bungad ko na sinamahan pa ng kaway. Pasimple kong hinigpitan ang pagkakakapit sa braso ni Keeno para gisingin siya. Bahagya ko pang inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Hindi pa nga ako nakuntento at kinurot ko na rin nang maliit. Ewan ko lang kung naramdaman niya iyon dahil wala akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya.

"Hi, Princess. Long time, no see, ano?" ganting-bati ni Justin na medyo slang pa nga ang pagkakabigkas sa nag-iisang Tagalog sa sinabi nito.

Ilang beses ko na rin itong nakaharap at namamangha pa rin talaga ako sa ganda ng kulay ng mga mata nito. Kitang-kita ang pagkislap niyon kahit may suot itong itim na sumbrero at may nakasabit pang mask sa kanang tainga nito. Ang daling malaman ng emosyon nito roon. Kahit hindi ito ngumiti, mararamdaman pa rin na masaya ito.

"Wow! I don't know what to think about this," nasisiyahang puna ni Xandie bago pinaglipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Keeno. Nasa titig nito ang panunudyo. "Parang no'ng isang araw lang, nagkakalmutan pa kayo sa harap ko. Ano'ng mayroon?"

Hindi sumagot ang kasama ko. At mukhang wala yatang balak sumagot kaya para hindi halata na wala siya sa mood ay bahagya ko siyang itinulak pagilid. That earned a glare from him. Sa wakas naman at nagpakita na siya ng reaksiyon! Ang akala ko, tuluyan nang naestatwa.

Mapang-asar ko siyang nginisihan at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa malaking braso niya. Nang ilipat ko iyon sa mga kaharap, hindi ko na napigilan ang tawa ko kunwari. "Natalo siya sa dare. Mas marami ang nai-serve kong dish sa Kitchen kanina."

"Sa Kitchen?" namimilog ang mga matang tanong ni Xandie sa gulat.

Kagaya kina Rhyne at Czeila, kahit dito ay hindi ko pa naikukuwento ang tungkol sa pagpa-part time ni Keeno sa restaurant. Hindi ko binanggit kahit nakakausap ko naman ang mga ito nang madalas dahil ang akala ko nga, nanti-trip lang ang buwisit na katabi ko.

"Nagluluto ka sa Kitchen, Keeno?" hindi makapaniwalang dagdag na tanong ni Xandie sa kanya.

Dahil halos yakap ko na ang braso niya, ramdam ko ang pasimple niyang paghugot ng malalim na hininga. Ang akala ko nga ay hindi na naman siya sasagot pero mabuti na lang at tumango na this time.

"OMG! Babe, sa Kitchen tayo next time!" baling nito sa boyfriend nitong kanina pa nakatingin kay Keeno. Napansin nito agad iyon kaya muli nitong tiningnan ang kaibigan. "Oo nga pala. Sorry, nakalimutan ko. Keeno... si Justin pala." Namula nang bahagya ang mga pisngi nito at naroon din ang magkahalong hiya at kilig sa ngiti nito. "Boyfriend ko."

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now