Chapter 5

252 22 21
                                    

Chapter 5

Awtomatikong nahinto sa ere ang akmang pagtulak ni Keeno sa glass door ng Xandie's World.

For a while, nakaramdam ako ng guilt pagkatapos kong bitiwan ang proposal na iyon. Pero agad ding nasapawan ng galit nang maalala ko ang mga pang-aakusa niya. Ako pa raw ang manggugulo? Nahihibang ba siya? At bakit ko naman guguluhin ang pinsan ko? Siya ang target kong guluhin, hindi si Xandie.

From Tuesday to Friday, walang mintis na lagi ko siyang naaabutan dito sa shop ng pinsan ko. Sa aming tatlo, alam kong siya ang pinakaabala. Hindi ko alam kung nag-leave siya saglit o talagang nilalaanan niya lang talaga ng oras ang pagbabantay rito. Eh, sa apat na araw naman na iyon ay wala rin naman siyang napapala dahil wala pa ring Justin na nagpapakita.

Talagang wala siyang makikita dahil on-going ang solo concert tour niyon.

Kaya naisip ko, kaysa naman binubuwisit na lang niya ang sarili niyang mag-isa rito dahil obviously ay hindi naman iyon napapansin ni Xandie, why not sa Kitchen Princess na lang muna siya?

Chef Daphne—my sous chef—had been on maternity leave since last week. Pangalawang linggo na namin ngayon na wala ito at kahit mag-double time kami't magbawas ng day off, nahihirapan pa rin kami. I already posted a job advertisement on various job board sites pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming makuha. Wala akong matipuhan sa lahat ng nag-apply. I needed someone who had both cooking experience and the ability to multitask and work under pressure. When you work in the kitchen, hindi puwede ang lalamya-lamya. Kailangang laging may presence of mind. And right now, isa lang ang alam kong mayroon niyon.

Keeno had superb cooking skills! Self-taught dahil kahit nag-iisang anak ng mga Ortega, hindi siya pinalaking spoiled ng mga magulang. Maaga siyang natuto ng mga gawain sa kusina dahil maaga ring namuhay nang mag-isa. Hindi siya kagaya ng ibang mga haciendero na walang ibang ginawa kundi magpasarap sa buhay. Elementary pa lang, alam kong tumutulong na siya sa pagha-harvest ng grapes base na rin sa mga kuwento ni Xandie. Lagi rin daw nakikigulo sa kusina. No wonder na kahit hindi niya pormal na pinag-aralan ang pagluluto, ang skills niya, kabog pa rin. Sa katunayan, labag man sa kalooban kong aminin, mas magaling siyang magluto kaysa sa akin. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit lagi siyang nakikikain sa amin ni Xandie. Kung level lang naman ng skills, nasa ibang dimensiyon ang kanya at never kong mabi-beat.

Kaya nga nang muli ko siyang maabutan dito sa shop, naisip ko iyon bigla. Since wala naman siyang ibang ginagawa kundi magmatyag, at alam kong wala namang patutunguhan ang pagmamatyag niya, why not sa kusina ko na lang siya magmukmok? Doon niya ilabas ang lahat ng frustrations niya sa pag-ibig niyang alam naman niyang hindi masusuklian.

I wanted his skills in my kitchen, and I figured this was the only perfect opportunity to get his help without asking for it. Kung kakagatin niya, hindi na rin siya lugi dahil magbibigay ako ng compensation sa lahat ng effort na ilalaan niya. Pero knowing him and his skills na kainggit-inggit, kahit hindi siya masyadong mag-effort, lagi namang masarap ang luto niya.

Hindi makapaniwalang nilingon niya ako. "What?"

At 'yong hitsura niya, akala mo naman, buong pagkatao ang nainsulto, eh hindi pa nga ako naglalapag ng explanation. Pasalamat na nga siya, one hundred days lang ang hihingin ko sa halip na regular number of days ng maternal leave. May day off pa iyon at sahod.

Humalukipkip ako at itinaas ang mukha para tingnan siya nang diretso sa mga mata. "You heard me loud and clear."

Ang kamay niyang ipantutulak niya sana kanina sa pinto ay naipamaywang niya at tuluyan na akong hinarap. Mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay. "Care to explain, then? Kasi ang narinig ko, gusto mong sa 'yo ako maulol."

Keeno's Princess (2023)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt