Chapter 13

217 21 10
                                    

Chapter 13

Hindi agad ako nakatulog pag-uwi ko. Nakailang biling at baling pa ako sa higaan bago ko napagpasyahang tawagan si Tito Vince—sa hindi ko na mabilang na pagkakataon—para siguraduhin na safe and sound na si Xandie sa bahay ng mga ito. Nasikmatan na nga ako nito dahil sa pangungulit ko. Nakuntento lang ako nang sabihin nitong natutulog na ang pinsan ko.

"Siguradong tulog, Tito? Humihilik na? Sure?"

"Oo nga! Ang kulit, Princess, ha! Ano ba? Inaway niyo ba 'to ni Keeno? Namumula ang ilong pag-uwi. Pero ang sabi, inaatake lang daw ng rhinitis."

Gustong-gusto kong magsumbong na si Justin ang dapat na sisihin nito pero pinigilan ko ang sarili dahil hindi ko pa alam ang buong kuwento. Hindi ko rin alam kung alam ni Keeno ang buong pangyayari but seeing how he got furious a few hours ago, mukhang naikuwento na nga sa kanya ni Xandie.

Pagkatapos kong putulin ang tawag, ibinato ko na ang cellphone ko sa sofa para hindi na ako ma-tempt na tumawag pa ulit. Mag-a-alas onse na ng gabi at dapat ay natutulog na rin ito. At ako rin dahil maaga pa akong bababa sa Kitchen.

Kinabukasan, pagpasok ko pa lang sa opisina, may nakahanda nang breakfast sa desk ko. Napabuga na lang ako ng hangin nang lapitan ang tray roon. Mula nang magtrabaho si Keeno rito, hindi ko na talaga naunahan iyon sa pagpunta rito. Lagi akong maagang bumababa pero palagi pa rin siyang nauuna. Hindi ko alam kung natutulog pa ba iyon. Sa lagay na iyon, alam kong nagwo-work out pa siya bago magtrabaho.

Hindi ako nag-dinner kagabi kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ang inihanda niyang pagkain. Mabilis kong inubos iyon para masimulan na rin ang inventory. Nang damputin ko ang Kit Kat, saka ko lang naalala ang mga napag-usapan namin kahapon habang nasa ilalim kami ng building niya. Tumupad siya sa usapan samantalang ako ay nakalimutan agad na hiniling pala niyang gawan ko siya ulit ng chocolate bar.

Whatever. Hindi naman talaga usapan iyon dahil siya lang ang nagdesisyon at naglatag ng mga kondisyon. Ni hindi niya pinakinggan ang pagtanggi ko. Makausap nga siya ulit tungkol doon. At sisingilin ko na rin ng buong detalye tungkol sa nangyari kay Xandie kagabi.

Nang magsimula ang breaksfast service, for the first since natuto akong magluto, ako lang yata ang distracted sa aming lahat. My eyes couldn't stop wandering around at magpapahinga lang kapag nakikita ko na si Keeno. At bihira lang iyon because he was busier than me. Hindi ko makita ang Keeno sa kanya na gusto kong iyakan kagabi. Kung makakilos siya ngayon, parang hindi siya nasaktan kagabi. He didn't look bothered at all. O siguro, ganito lang talaga siya ka-dedicated kapag oras ng trabaho.

Ilang beses ko siyang sinubukang lapitan at kausapin pero ang hirap niyang hulihin dahil halos hindi nababakante. Palaging may hawak, palaging may ginagawa, palaging may niluluto. Lunch service na nang sumuko ako at nag-concentrate na rin sa sariling gawain. Lalo na nang malaman ko mula kay Chef Kathrin na kada break, sa halip na magtrabaho siya sa loob ng opisina ko kagaya ng nakasanayan, nagpaalam siyang pupunta muna sa main office ng Ortega Winery. Hindi ko tuloy alam kung iniiwasan niya ako o talagang marami lang siyang ginagawa ngayon.

In between cooking and serving orders, panaka-naka ang silip ko sa katapat na shop nang makita kong bukas iyon. Nang magsara kami pagsapit ng alas dos ng hapon, dinalhan ko ng pagkain si Xandie at maayos naman nitong tinanggap iyon. And just like Keeno, umaakto rin ito na parang walang nangyari. Hindi tuloy ako makatiyempo ng tanong at hindi ko rin alam kung kaya ko ba kasi natatakot din akong bigla na lang itong umiyak. Iyakin pa naman ito. Kaya nga, pakiramdam ko ay mababaliw ako nang sa paglipas ng mga araw ay ganoon pa rin ang kilos nito.

She was acting nonchalant, pero alam kong may mali. Kasi kung okay ito, paano nito ipapaliwanag ang ilang araw na nitong getup? Xandie loved cosplaying. At mula nang buksan nito ang pangarap na shop, wala itong absent sa part na iyon.

Keeno's Princess (2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon