Chapter 15

288 20 2
                                    

Hello, everyone! Maraming salamat sa lahat ng nag-avail agad ng eBook nito sa Beebly. Did not expect that at all huhu. Yung iba, nag-message talaga. Thank youuu so much! Sana ay magustuhan niyo ang special book. Para sa mga hindi pa kayang mag-avail, rest assured that I will complete the main book here on my account. Every Friday pa rin po ang update. Happy reading! ♥️


Chapter 15

Wala akong ibang masabi kundi ang rupok ng pinsan ko.

Pinandilatan ko siya ng mga mata nang muli kaming magkaharap sa bahay nila ni Tito Vince. Kaming dalawa lang ang naiwan sa living room at pare-parehong abala sa preparation sina Tito, Keeno, Justin at ang manager nito.

Pormal nang namanhikan si Justin. Ayon sa mga napag-usapan kanina, gusto nito ng engrandeng kasalan. Ayaw ni Xandie at siyempre, ayoko rin dahil paniguradong kukuyugin ng media at paparazzi ang event sa oras na makatunog ang mga ito.

Hindi naman sa gusto kong itago nito si Xandie mula sa mundo. Alam kong gusto nitong ipagsigawan ang pag-ibig nito para sa pinsan ko. Pero pagkatapos ng mga sinabi nito sa amin ni Keeno sa loob ng opisina ko sa Kitchen, I looked him up on the internet. And true enough, sa kabila ng effort ng management nito na burahin ang lahat ng litratong sumirkulo both online and on paper, hindi pa rin naging sapat. Lalo na at hindi lang pala ito ang maituturing na public figure.

Apparently, his best friend turned out to be Dominique Dion, a half-Filipino, half-American runway model and one of the highest-paid in the industry. Parehong celebrity pero hindi naging hadlang iyon para paulanan ito ng pambabatikos mula sa die-hard fans ng isang AJ Aniston.

I didn't want that for my cousin. Napakamamon ng puso niyon at malamang ay hindi pa iyon magrereklamo at ngingitian lang ang mga mababasa kung sakali, then iiyakan kapag tulog na ang lahat at wala nang makakakita rito.

Ayaw makialam ni Keeno. Kung ano ang gusto ni Xandie, iyon din ang gusto niya. Kaya iyon na rin ang gusto ko. Pero hindi pa rin ako nakatiis at nahigit ko si Justin para mabilis na ipaliwanag dito kung bakit mas gusto ni Xandie ng intimate wedding. Oo naman ito agad. Mukhang lahat naman yata ng gusto ng pinsan ko, susundin nito. Takot nang mabigyan ng cold shoulder ulit. Marupok ang pinsan ko pero ang galing ding magparupok. AJ Aniston, tinitingala ng buong mundo pero lumuluhod kay Alexandie Justine Licarte.

Tuloy ang kasal. At sa lalong madaling panahon, Justin's manager—na ninang yata nito—insisted on throwing an engagement party. Sa wedding ceremony kasi, kaming malalapit na pamilya lang ang gustong imbitahan ni Xandie. The engagement party would be for close friends and acquaintances.

Naningkit ang mga mata ko nang bumaba ang tingin ko sa hawak na photobook ni Xandie. Kanina pa nito binubuklat iyon. Iniabot dito ng manager ni Justin. Pinapapili ito ng gusto nitong disenyo for her wedding gown at isho-shoulder daw mismo ng management team ng binata. Nakakagulat nga na todo ang support ng buong agency kay Justin. Ang akala ko, magkaka-conflict pa ito roon pero mas mukhang excited pa ang mga ito. Nakaharap ko na ang ilan at nakita ko ngang parang pamilya talaga ang turing ng mga ito kay Justin.

Wala na talagang atrasan kaya hindi ko rin puwedeng sukuan ang bagong misyon ko sa buhay: ang hanapan ng love life ang sawing si Keeno. Actually, sa aming dalawa, ako ang mas mukhang sawi kasi ako ang namomroblema sa hindi ko naman love life. Siya ang alam kong heartbroken pero hindi naman mukhang sawi. Ang hands on pa nga niyang tumulong kay Justin sa preparation. Kapag may hindi alam si Justin, to the rescue agad siya.

Napapangiwi na lang ako. Bantay-sarado ko siya at hindi ko hinahayaang mawala siya sa radar ko nang higit limang minuto. Baka mamaya niyan, malingat lang ako saglit ay mahanap ko na lang siyang umiiyak sa sulok. Pero so far, wala pa namang ganoong eksena. Hindi pa yata nagsi-sink in sa kanya ang lahat.

Keeno's Princess (2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon