Chapter 19

360 32 4
                                    

Hello po, everyone! I'm sorry kung two days late ang update, drained ako sa dami ng nangyari last week. I hope all is well sa inyong lahat. Sana'y healthy and safe ang bawat isa rito.

May bagong book cover nga pala ang Wattpad version ng Keeno's Princess. Huhu. Ang ganda-ganda. Made with love by madammm xxsoteria ♥️ Writer din po siya sa platform na ito. She writes English stories pero mayroon ding written in Filipino. Marami na siyang naisulat kaya 'di kayo mabibitin. Enjoy reading! :)


Chapter 19

Hindi natuloy ang paglalasing namin nina Rhyne at Czeila kagabi. Sa halip na magpakalunod sa alak, coffee party ang kinahinatnan. Hindi nga ako nalasing sa alak pero sabog naman ako sa kape. Ang sakit ng ulo ko paggising kinabukasan, parang dinidikdik na minamartilyo. Ang sama tuloy ng timpla ko pagpasok ko sa Kitchen. Naka-plaster sa mukha ko ang tila permanente nang simangot at hindi iyon nawala kahit nang batiin ako nang magiliw ng mga kasamahan kong chef.

Not until halos tumalsik ang kaluluwa ko mula sa katawan nang hahawakan ko na sana ang seradura ng pinto pero hindi na natuloy dahil biglang bumukas iyon.

"Whoa!"

Pakiramdam ko, bigla akong binuhusan ng isang batya ng malamig na tubig. Napanganga na lang ako nang tila isang aparisyon na biglang sumulpot sa harap ko ang matangkad na bulto ni Keeno. Sinakop niya nang tuluyan ang dadaanan ko sana. At lalo lang akong natuod sa kinatatayuan ko nang sa halip na batiin ako dahil ngayon lang siya nagpakita ulit, nilampasan lang niya ako na parang hangin.

Hindi niya ako pinansin! Ni hindi niya ako sinulyapan...

I let out a scoff. Lumingon ako agad para sundan siya ng tingin. Ang buwisit ay nagdire-diretso lang papasok sa kusina, naka-uniform pa't lahat. Nahagip ng mga mata ko ang nananantiyang tingin ng mga kasamahan namin. Muli akong natawa nang pagak sa hindi pagkapaniwala.

Pagpasok ko sa opisina, naroon na rin ang mga gamit niya sa desk at malinis na ulit iyon... pero wala ang nakasanayan kong breakfast kapag nandito siya. Sa panggagalaiti ko, naibagsak ko tuloy pasara ang pinto.

My God... Hindi ba siya nagche-check ng email niya? Hindi ba niya nabasa? Kung hindi, then he should! Kung oo naman, hindi na kinakaya ng utak ko kung gaano kakapal ang mukha niya! Bakit kung kailan ayoko nang makita ang pagmumukha niya rito sa Kitchen, saka naman siya magpapakita? Bakit no'ng ilang araw akong naghintay sa pagbabalik niya, hindi siya nagpakita? No'ng mag-text ako, na katakot-takot na bargaining pa ang ginawa ko sa sarili kong pride, hindi siya nag-reply. Pagkatapos ngayon ay bigla na lang siyang susulpot dito na parang walang nangyari?

Bad trip na hinaklit ko ang sariling swivel chair bago pabagsak na naupo roon. Hindi naman ako naglasing nang nagdaang gabi pero pakiramdam ko, magkaka-hangover ako. Sa sobrang sama ng loob ko, sinamaan ko ng tingin ang bakante niyang upuan. Hindi pa nga ako nakuntento at itinulak ko iyon palayo.

Hindi ako sumabay sa breakfast ng team. Sa halip na kumain, ang pinagtuunan ko ng pansin ay ang pagche-check ng mga pinagpo-post kong job advertisement sa iba't ibang site na hindi ko na natingnan mula nang dumating si Keeno sa restaurant. Ang huling update ko sa mga iyon, maliban sa mga na-take down ko, may nakakuha na sa job order na nire-require namin. Ang kaso, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mabubuwisit lang lalo. Kung kailan kasi hindi na available, saka naman dumagsa ang inquiry. Hindi ko alam kung nagbabasa ba 'tong mga 'to o nasa nature lang talaga ng mga tao na gustuhin ang isang bagay na nakuha na ng iba.

Kahit punong-puno ng iritasyon, sinubukan ko pa ring isa-isahin ang mga curriculum vitae na natanggap. Right before we started preparing for breakfast service, may na-sight akong isa at nag-inquire agad ako kung interesado pa rin ito. I was kind of hopeful nang lumabas ako para simulan na ang trabaho sa kusina. Pero pagbalik ko para tingnan ulit iyon, naglaho ang katiting na pag-asa ko.

Keeno's Princess (2023)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ