BEHIND THE PAGES

147 9 0
                                    

Keeno's Princess (2013 ver): March 3, 2013
Keeno's Princess (2023 ver): March 14, 2023

Imagine my frustration nang hindi ko nakayang iabot sa tenth year anniversary sana. Huhu.

Ten years ago... si Keeno ang favorite ko sa lahat ng mga naisulat ko just because singkit—at masungit—siya. (By now, alam niyo nang marupok ako sa mga singkit hahaha!) Kaya nang makatanggap ako ng invitation from Beebly PH last November 16, 2022, siya ang naging final choice ko. Oo... kasi ang first choice ko ay 'yong isa pang singkit na favorite ko rin kaso inatras ko kasi magkaka-conflict sa utak ko. At buti na lang din... inatras ko iyon kasi nagkaroon ako ng chance ayusin ang buhay ni Keeno. No'ng basahin ko kasi ulit ang 2013 version, nawindang ako sa 17-year-old self ko, napakaraming maling desisyon sa buhay!

Sari-saring emosyon ang pinukaw sa akin ng pagre-revise ko sa kuwentong ito. One second I was giddy and laughing, and then furious and frustrated the next. Tapos may tulala moment pa habang kinakastigo ang sarili why I chose to give myself another headache, eh may utang pa nga akong isang book sa Suarez Series. May times din na nagbubukas ako ng document and then end up closing it right away kasi kung kailan ko kailangang ilabas ang boses ng character, saka naman ayaw magsalita. Enemies to lovers and vice versa din talaga kami ng pagsusulat, kagaya ng librong ito.

Pero happy ako na sa kabila ng lahat ng iyon, lumaban ulit ako. Kasi to be honest, as much as I loved Yours Truly, Cornelia, na-drain ako sa pagsusulat ng kuwentong iyon. 200k plus ba naman ang word count, sino'ng hindi matutuyuan? huhu.

Being able to finish Keeno's Princess gave me hope that I could still write. Keeno's Princess is my pahinga from the Suarezes, but you could still see how I couldn't let them go completely kasi nandito si Iñigo Joaquin. At dito ko lang din na-realize kung gaano ko na-miss ang tatlong magkakaibigan. Happy ako sa kinalabasan ng revision. Break din from writing heavy drama. Kaya ko rin naman pala ng legit na light story, puno nga lang ng bardagulan. Hahaha! Sa sobrang happy ko, sa halip na isa hanggang dalawang special chapter lang, napagawa ako ng isang buong libro ng special chapters, may sariling epilogue pa, saan ka pa? Kay Keeno na!

Para sa mga hindi nakakaalam, promote ko na lang din na may special book po itong kuwento nina Keeno at Princess. Available po ito sa Beebly app for only 249 PHP. Main book na iyon plus special book. Salamat po sa mga nauna nang nag-avail at nag-abang talaga.

Maraming salamat din po sa mga matiyagang naghintay ng every Friday update nito dito sa Wattpad. Alam kong may mga naghihintay rito kay Kuya Iñigo pero si Keeno ang ibinigay ko... at tinanggap niyo.

And for that, maraming maraming maraming salamat.

Until the next book, gaano man iyon katagal. xoxo

Hindi na nga princess, wala pang Keeno (charot na half-meant hahaha!),
Binger S. ♥️

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now