Chapter 9

208 25 5
                                    

Hello! May duty ako (night shift) mamayang pag-uwi ko from class kaya ngayon ko na 'to ida-drop. Kinikilig ako kasi nasa akin na ang file ng Keeno's Princess at nai-send ko na rin sa Beebly. Huhu. Nakakaiyak ang ganda! Super excited na ako. Coming soon na talaga 'to sa Beebly. Doon niyo mababasa ang special book na POV ni Keeno! 😭♥️

Chapter 9

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Mula nang maging mortal kaming magkaaway ni Keeno sa buhay, I always made sure na kapag nagkikita o nagkakasalubong kami, I'd be in my best condition, mood man o pisikal na kaanyuhan. Masama kasi talaga ang ugali niya at ayoko siyang bigyan ng dahilan o pagkakataon na manlait.

Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko ngayon, I would've run for my dear life.

At bakit hindi? Alam ko kung gaano kahindik-hindik ang hitsura ko ngayon. Nanlalagkit ako kahit pa centralized ang aircon sa kabuuan ng condo unit. Kagigising ko lang at ngayon nga'y kulang na lang ay ilabas ko pati sikmura ko. Sabog ang mahaba kong buhok at ang ibang hibla'y dumidikit na sa gilid ng mukha ko. I was wearing an oversized T-shirt and mini boxers—na siyang pantulog ko, and I was a hundred percent sure that I reeked of vomit.

At sa lahat ng masusukahan, si Keeno pa.

"Ba't nandito ka?" Ni hindi ko maiboses nang maayos ang tanong ko. Nanginig ang mga labi ko at muling nasuka. Hindi ko na napigilang mapakapit sa kaliwang braso niya.

Hindi naman siya pumalag. Ni hindi siya umatras at mukhang naestatwa yata sa gulat. Ikaw ba naman kasi ang sukahan nang walang warning.

Nanghihinang napasandal ako sa kanya matapos kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Noo ko ang tumama sa dibdib niya at naramdaman ko agad ang pagsalo niya sa aking mga brasong tila naging jelly na pareho dahil sa panghihina. Maging ang mga binti ko ay nangangatog. Pakiramdam ko, katatapos ko lang manganak. Sa bunganga nga lang nag-take place ang expulsion.

Mabigat ang mga hiningang pinakawalan ko. "Sorry..."

"Saglit lang," mahinang sambit niya at bago pa man ako makapagtanong kung bakit ay binuhat na niya ako.

Napapikit at napakapit na lang ako sa kanya. Sa muli kong pagmulat ay nasa loob na kami ng banyo. Maingat niya akong inilapag sa bathtub. Naghintay ako ng angal mula sa kanya pero wala akong narinig. Muli akong pumikit nang pagtayo niya'y bigla siyang naghubad ng suot na T-shirt.

Pareho kaming tahimik at hindi na ako nag-abala pang sawayin siya sa ginawa. Of course, he should take his clothes off. Nasukahan ko siya at kahit ako ay nandiri.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagmulat ko ay mag-isa na lang ako. Nakita ko sa sahig ang mga damit na hinubad niya. Tumalikod na ako at binuksan ang shower. Pagkatapos ay muling napapikit sa pagbagsak ng tubig sa ulo at mukha ko. Hindi na ako nagtangka pang lumingon ulit nang muling bumukas ang pinto dahil alam kong hubad siya.

"Nangialam na ako ng gamit mo, ha? Dinalhan kita ng pamalit. At nakihiram na rin ako ng T-shirt," mahinahong sambit niya mula sa likod ko. "Nandito na rin ang bathrobe mo. Pati sanitary pad kasi may dalaw ka."

Dumiin ang pagkakapikit ko sa mga mata. Kung hindi ba naman ako inulan ng kamalasan ngayong araw. Hindi ko lang siya nasukahan, alam na rin niyang may period ako ngayon. Malamang ay nakita niyang may tagos na ang suot kong boxer, eh kulay-baby pink pa naman iyon. Gusto kong kastiguhin ang sarili ngayong medyo nahihimasmasan na ako.

"Kakasya ba sa 'yo?" mahinang tanong ko.

"Hmm?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kahit nakatalikod ako. "Kumusta ang pakiramdam mo? Kaya mo bang tumayo?" Hininaan niya ang shower. "Huwag kang magbababad at baka ubuhin ka naman."

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now