Chapter 16

230 23 0
                                    

Chapter 16

Kapag talaga guilty ang isang tao, kahit hindi mo amining may ginawa kang hindi magugustuhan ng taong nagtanong sa 'yo, kusang magre-react ang sistema mo. Sana lang ay hindi iyon halata sa mukha ko. Pinanindigan ko na lang ang pagsimangot ko at hindi na nga pinigilan ang sariling sikmatan si Keeno.

"Ano'ng ako? Ikaw nga ang kanina pang ayaw akong tantanan!"

Mas lalong naningkit ang mga mata niya. Hindi man lang nabawasan ang pagdududa sa hitsura.

"Ano? Ano?" panghahamon ko sa kanya kasi totoo naman talagang ang kulit niya ngayong araw. Para namang hindi mabubuhay kung walang tsokolate sa sistema niya. At saka, ang dami niya kayang Kit Kat sa opisina niya!

"Tsokolate ko, ah," paalala lang niya bago ako inunahan papasok sa mini room.

Nairolyo ko na lang ang mga mata ko habang hinihintay siyang matapos magbihis. Kunwari ay chill lang kahit ang totoo ay mas naramdaman ko ang panginginig ng mga binti ko dahil sa tanong niya kanina. Bakit parang may alam na siya? Hindi naman ako gano'n kahalata, ah.

Magmula no'n, parang feeling ko, pati ako ay bantay-sarado na rin niya. Lahat ng staff ng Kitchen, sa loob at labas man ng kusina, abala talaga kapag working hours. Pero kahit busy kami pareho, hindi pa rin nakatakas sa akin ang madalas niyang paninitig. Umabot na nga sa puntong kahit nakatalikod ako, nararamdaman ko na kapag nakatingin siya o hindi. Ilang beses ko rin siyang nahuling nakatingin at kahit nahuli na nga, siya pa ang matapang na hindi magbawi ng tingin kahit siya na nga itong nahuli. Parang ako pa nga ang hinuhuli niya kahit wala naman akong ginagawang masama.

Wala naman talaga!

Kung natunugan man niya ang mga pinaggagawa ko nitong mga nakaraang araw at linggo, hindi naman masama ang ginawa ko, 'di ba? Ako pa nga 'tong nagmalasakit kahit nakakabuwisit siya. Saan ka nga naman nakakita ng mortal na kaaway na hahanapan ka ng date? And if possible, babaeng mamahalin mo habambuhay?

Kung magalit siya, pakialam ko? Bahala siya sa buhay niya at ako na ang bahala sa magiging date niya sa darating na engagement party nina Xandie at Justin. Hindi puwedeng wala. Hindi ako papayag.

"Alam mo, kapag ganyan ka lagi tumingin, talagang tatanda kang binata. Walang magkakagusto sa 'yo kung ganyang tingin mo pa lang, parang nambubulyaw ka na," sermon ko sa kanya habang minamatyagan niya akong gumawa ng chocolate bar. Wala siyang choice nang hatakin ko siya pabalik sa kusina dahil sa kanya na rin naman ako sumasabay pauwi ngayon. Gusto kong ipakita sa kanya kung paano gawin ang paborito niyang tsokolate para sa susunod na kulitin niya ako, puwede kong ipanlaban na alam na rin naman niyang gawin iyon. "Kaya walang tumatagal sa 'yo, eh."

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nang lingunin ko, nakahalukipkip lang siya at hantad na hantad sa akin ang malalaking braso. Medyo natukso pa nga akong paraanan iyon ng haplos para lang kapain ang mga ugat na bahagyang namumutok. Pinigilan ko lang kasi baka mabigwasan niya ako. Hindi naman ako magpapatalo pero baka kasi hindi ko matapos ang chocolate bar kung papatulan ko siya. Magsasapakan lang kami at wala na akong energy na mailalaan pa roon.

"Kaya ba walang tumagal? Kasi ever since, si Xandie na talaga?" tanong ko nang ibalik ang paningin sa hinahalo kong tsokolate at crushed almonds. Dalawa ang gagawin ko ngayon. Ang isa, hindi ko hahaluan ng almonds.

Isang malalim na buntong hininga ang isinagot niya roon. Hindi iyon tanda ng pagsuko. More like nauubusan na naman siya ng pasensiya sa akin.

"Kung matagal mo na palang gusto ang pinsan ko, ba't hindi na lang siya agad ang niligawan mo?" Kasi kung ginawa niya sana iyon, eh 'di sana ay hindi ako namomroblema ngayon sa paghahanap ng date niya. Hay naku, kasalanan niya rin talaga ang lahat ng ito.

Keeno's Princess (2023)Where stories live. Discover now