Epilogue

202 23 4
                                    

Epilogue

"Hindi ko tinangkang itago sa 'yo. I was very obvious..." Bahagya pang nakataas ang kanang kilay ni Keeno nang sambitin niya iyon. "Pero bakit pa ba ako nagulat na wala kang alam? Sa iba ka lagi nakatingin. You're always busy caring about other people. And you like insisting on what you believe to be true without really verifying its credibility. Ang hilig mong makialam, wala naman sa akin ang buong atensiyon mo."

Malinaw pa sa utak ko kung paano tumalim ang tingin ko sa kanya nang marinig iyon. Hindi niya talaga mapigilan ang pagiging sarkastiko, ano? Ano ba? Mahal niya ba talaga ako o nanggu-good time lang?

Wait lang. Mahal niya ako?

Naramdaman ko ang pagkalat ng init sa buong mukha ko. Natigilan ako sa pagtu-toothbrush at napatitig sa repleksiyon ko sa salamin.

Buwisit, kinikilig ka?!

Bigla akong naubo at nailabas ang bula sa bibig. May halong panggigigil na sa inis na tinapos ko ang ginagawa nang makatulog na at may pasok pa bukas! Padabog kong pinatay ang ilaw nang matapos akong maghilamos. Hindi na ako nag-abala pang mag-skin care kasi mabubuwisit lang ako sa makikita kong pamumula ng mga pisngi ko. Baka masampal ko lang ang sariling pagmumukha.

Ibinagsak ko ang katawan sa kama at matapos ng ilang sandaling pakikipagtitigan sa kisameng hindi ko naman makita nang maayos dahil madilim na ang buong kuwarto, malakas ang buntong hiningang pinakawalan ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Windang na windang pa rin ako. Ang utak ko, nire-reject ang mga sinabi ni Keeno kaninang hapon. Ang puso ko, sumisipa na yata sa rib cage ko. Hindi ko lang alam kung dahil sa tuwa o inis. Parang both.

Pero shet...

Napahawak ako bigla sa mga labi ko. Hinalikan niya ako...

Naibagsak ko bigla ang kanang palad sa dibdib ko nang umarangkada na naman ang pagpapapansin ng puso ko. Buong araw na 'yong nagpapabida sa pagtibok, walang kapaguran. Buwisit, ano na ba 'tong nangyayari sa akin? Akala ko ba, allergic tayo, Princess? Ba't parang ramdam na ramdam mo pa rin ang mga labi ng buwisit na iyon?

Ang lambot kas—buwisit!

Kinuha ko ang unan mula sa ulunan ng kama at itinakip iyon sa mukha ko bago ako sumigaw nang malakas sa panggigigil! Pero sa pagpikit ng mga mata ko, muling lumitaw sa balintataw ko kung paano ako tingnan ni Keeno matapos niya akong halikan. Naihagis ko bigla ang unan palayo sa akin!

Naglumikot ako sa gitna ng kama sa magkahalong frustration at inis. Letsugas talaga, gusto ko nang maiyak! Akala ko ba, mortal enemy kami? Akala ko ba, allergic kami sa existence ng isa't isa? Ba't biglang mahal niya pala ako? How did we get from mamamatay ako nang maaga kapag iyan ang naging girlfriend ko to It's you I have been in love with all this time? Ang buwisit na iyon, walang paninindigan! Sa halip na tantanan ang buhay ko, mas lalong ginulo!

Masama pa rin ang loob ko nang pilitin ko ang sariling matulog. Paggising ko kinabukasan, ganoon pa rin. Hindi man lang nga nabawasan at lalo lang yatang bumigat. Pakiramdam ko, buong daigdig ang pasan ko. Na-realize ko kasi habang nasa daan na ako papunta sa Kitchen na may isa pa pala akong kalbaryo. Paano ko na ngayon haharapin ang buwisit na iyon? Iignorahin ko ba ulit or should I pretend na parang wala siyang sinabi kahapon? Either way, ang awkward! Kasi alam kong kahit ano'ng effort kong magpanggap na hindi ako apektado, mahahalata pa rin niya ako. 'Yon ngang pasimple kong paghahanap ng potential girlfriend niya, hindi nakaligtas. Ito pa kaya?

Buwisit na problema 'to, tinigyawat pa tuloy ako!

Busangot ang mukhang kinapa ko iyon. Nasa tungki ng ilong ko. Buwisit, mauuna pa yata itong maghe-hello sa mga makakasalubong ko.

Keeno's Princess (2023)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora