CXVI

1.3K 99 41
                                    


EXT. SIDEWALK - EVENING

8:10 p.m.

MARTY
Bakit?


HARLEY
Hindi naman kailangan.


MARTY
So hindi alam ni Ate?


Harley fell silent at her query.



HARLEY
Hindi ko alam.



MARTY
Ha? Ba't 'di ka sigurado? 'Di ka ba umamin sa kanya?



HARLEY
Umamin.


MARTY
Edi alam niya naman pala. 'Di mo na ako kailangan sabihan ng gano'n. Saka 'di ko rin naman ipagsasabi. Nahalata ko lang talaga.


HARLEY
Matagal na rin kasi 'yon.



MARTY
Gaano katagal? Mas matagal ba bago naging sila ki Kuya Gabbie?



He nodded.



HARLEY
Oo. Matagal na. Kaya hindi ko alam kung natatandaan niya pa 'yon. Sana hindi na.



MARTY
Before maging si Ate and Kuya, hindi ka ba nag-try na i-pursue siya?



Umiling sa Harley.



HARLEY
Hindi. Kasi una pa lang sinabi na rin naman ng ate mo na si Gabbie talaga, e. Malinaw din siya do'n.



MARTY
Ah . . .


Marty's nose wrinkled at the realization.



MARTY
Tapos hanggang ngayon gusto mo pa rin si Ate? Halos 2 years na rin sila ni Kuya Gabbie, ah?



HARLEY
Oo. Ewan ko. Hindi ko rin alam bakit gano'n. Nag-try naman ako kaso . . . ewan.


MARTY
Tibay mo naman. Pero ano 'yon, hinihintay mo ba silang mag-break? Kasi mukhang break na rin sila ngayon, e. Palaging malungkot si Ate.


HARLEY
Hindi, ah. Ang pangit naman no'n na para akong nag-aabang? Kaibigan ko rin si Gabbie.


MARTY
Sure ka? 'Di mo talaga 'yon hinihintay?


HARLEY
Oo.


MARTY
So, okay lang sa 'yo na hanggang friends lang kayo ni Ate? Wala kang gagawin?


HARLEY
Okay lang. Saka alam ko naman na si Gabbie talaga gusto niya.


MARTY
Totoo?

Harley nodded.


HARLEY
Kaya 'di na rin niya kailangan malaman.


MARTY
So . . . ano gagawin mo?



HARLEY
Wala? Kailangan ba may gawin ako?


MARTY
Ewan ko. Kaya nga kita tinatanong, e.


HARLEY
Wala.


MARTY
Sure talaga?


HARLEY
Oo. Hintayin ko na lang siguro na mawala.


MARTY
Kahit abutin ka ng 5 years?


HARLEY
Grabe naman 'yang 5 years mo.


MARTY
Malay mo? 2 years and counting ka na nga, e.


HARLEY
Four.


MARTY
Ha? Four?


HARLEY
Oo. Four.


MARTY
So apat na taon mo nang gusto si Ate? Since 1st year college kayo?


HARLEY
Oo.

Fool Again (Love in Paris # 7)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ