CXVII

1.3K 102 36
                                    


INT. CONVENIENCE STORE - EVENING

8:17 p.m.

They were both waiting in line at the register to pay for Maddie's energy drink and a couple of snacks they could munch on while studying.

Marty inched closer to his side to ask a question.


MARTY
Ano nagustuhan mo kay Ate?


HARLEY
Hmm?


MARTY
Ano nagustuhan mo kay Ate 'ka ko.



HARLEY
Ah . . .


He was about to answer her question but they were next in line so Marty waited until they got out of the convenience store.

MARTY
Ano nga? Ba't mo siya nagustuhan?



HARLEY
Nakakatuwa kasi ate mo. Ang gaan niya kausap tapos palaging nakangiti kahit minsan pareho din kayo na biglang nagtataray. Masipag din siya tapos kapag may gusto, pinaghihirapan niya rin.


MARTY
Tulad ng?



HARLEY
Kay Gabbie. Dati.


MARTY
Kay Kuya Gabbie?



Harley nodded.


HARLEY
Oo. Grabe rin effort ng ate mo no'n para sa crush back ni Gabbie sa kanya na tipong kinausap pa kami na kapag nagtanong daw si Gabbie, 'wag daw namin sasagutin para sa kanya lumapit.


MARTY
'Di ka nagselos do'n? Natuwa ka pa? Okay ka lang ba?



HARLEY
Natuwa ako kasi kitang-kita ko rin effort niya, e. Na kahit gusto ko magselos, nainggit na lang ako na sana ako rin, may guts katulad ng ate mo. Nauunahan kasi ako madalas ng hiya pero siya, ayon. Malakas loob.


MARTY
Ah . .  .


Marty sighed, shaking her head.



HARLEY
Bakit?



MARTY
Alam mo ba na sasakyan nila Kuya Gabbie 'yong nasa garahe namin?


HARLEY
Talaga? Kila Gabbie 'yon? Akala ko kapareho lang.



MARTY
Oo. Kila Kuya Gabbie 'yon. Kasi no'ng hirap sila financially, gustong tumulong ni Ate kaso wala siyang alam na ibang way kaya kinausap niya tatay namin na kung p'wede, bilhin 'yong sasakyan nila no'ng naisipanh ibenta para hindi na rin mahirapan maghanap sila Kuya Gabbie ng buyer. Kailangan kasi nila agad 'yong pera.


HARLEY
Ginawa ng ate mo 'yon?



MARTY
Oo. Para kila Kuya Gabbie.


HARLEY
Grabe . . .



MARTY
Pero ngayon ayaw niya naman gamitin 'yong sasakyan. Kaya kami ni Uly pinagagamit ni Daddy do'n para hindi masira. Sayang kasi kung nakatambak lang sa garahe.



HARLEY
Bakit ayaw gamitin ng ate mo?


MARTY
Ewan. Baka wala na sila ni Kuya?



HARLEY
Naniniwala ka talaga do'n?




MARTY
E may ibang reason pa ba? Malungkot si Ate tapos ayaw gamitin sasakyan. Nilulong pa sarili niya d'yan sa thesis n'yo.



HARLEY
Ah . . . wala rin kasi siyang nababanggit, e.



MARTY
Wala rin naman siyang binabanggit sa 'min. Minsan lang siya magsabi kapag nami-miss niya na si Kuya.



HARLEY
Baka naman sila pa rin? Miss niya lang talaga kasi ang layo din ni Gabbie.




Marty shrugged.




MARTY
P'wede.



She looked at him skeptically walking past a lamppost.



MARTY
Pero, hindi ka talaga nagseselos o kahit natutuwa na baka break na sila?



HARLEY
Sa lahat ba naman ng effort ng ate mo na nakita ko? Mas nakakapanghinayang kung wala na sila. Nainggit siguro ako konti dati kasi ang suwerte talaga ni Gabbie sa ate mo. Pero no'ng sila na tapos nakikita ko madalas dati na magkasama sa school, mukha naman silang masaya tapos okay din si Gabbie sa kanya, kaya 'yon. Acceptance stage.



MARTY
Ba't ka ganyan?



HARLEY
Ha?


MARTY
Sabi ko bakit ka ganyan.


HARLEY
Hindi ko rin alam? Ang aksaya lang kasi sa oras kung magmumukmok ako do'n? Saka okay lang, 'di naman matatapos mundo ko dahil lang iba gusto ng ate mo.



MARTY
Pero gusto mo pa rin siya hanggang ngayon?



HARLEY
Oo. Pero 'di naman kasalanan ng ate mo kung gusto ko siya. Hinihintay ko lang talaga mawala. Nababawasan naman, e.



MARTY
Sure ka?



HARLEY
Oo.



MARTY
Pa'no 'pag hindi nawala?



HARLEY
Ewan. Hindi ko rin alam.



[Twitter]

🐝🔒 @martea
nakakainis talaga personality niya

🐝🔒 @martea
Hindi ko alam kung bakit pero bat ba siya ganon

🐝🔒 @martea
Na turn off na dapat ako eh

🐝🔒 @martea
kaso mas lalo akong.... bwisit

🐝🔒 @martea
🥲🥲🥲🥲

🐝🔒 @martea
4 yrs and counting si tanga

🐝🔒 @martea
wala tayong laban dun haha
| replied to @martea:
tapos si ate din yun so.... ano na

Fool Again (Love in Paris # 7)Där berättelser lever. Upptäck nu