SC III

1.4K 75 42
                                    


Current scene is in line with Hearts Collide's timeline.

____________________



[Messenger]

Harleeey

5:38 p.m.

Marty
Marty sent a photo.

Harley
Cute ninyo
Bakit naka apron din si ambee?



Marty
Kasi tutulungan niya ako magluto ng dinner



Harley
Hahahahahaha
Paano ka naman niya tutulungan?
Di naman pwede magbalat si ambee dyan


Marty
Sino ba nagsabing kailangan magbalat ni ambee
Kailangan niya lang maging cute dyan
Okay na yun


Harley
Kung sabagay
Matatakot ako pag bigla siyang nagbalat


Marty
Bee tatakbo ako agad palabas ng bahay kapag nangyari yun




Harley
Hindi rin ako uuwi pag nangyari yun



Marty
🥶🥶🥶🥶🥶




Harley
Ano palang iluluto mo?



Marty
Afritada
Nagpaturo ako kay chael igor



Harley
Okay
May gusto ka ba idagdag?
Dessert? Bili ako bago umuwi


Marty
Bili ka apple pie saka vanilla ice cream



Harley
Sige



Marty
Out mo na diba?



Harley
Oo


[FaceTime]

5:41 p.m.

(Marty 🐝 is calling)

Marty
Alam mo bee

Harley
Ano?


Marty
Di ako pasado maging princess sarah
Pang passenger princess lang talaga ganap ko


Harley
Ha?
*chuckles*
Bakit naman?



Marty
Kasi ayokong nagbabalat ng patatas!
Ang weird niya


Harley
Paanong weird?



Marty
Nakailang hugas na kasi ako pero ang grainy sa kamay.
Willing ako magbalat ng iba basta hindi ito




Harley
Ahhhh okay kaya pala



Marty
Saan ka na pala?


Harley
Papunta na ng parking
Sure ka ba apple pie lang saka vanilla ice cream?



Marty
Bili ka rin bread pang breakfast bukas
Pati butter



Harley
Okay okay



Marty
*wincing*
Aray...



Harley
Bakit?



Marty
Biglang sumipa si beebie
Parang tinadyakan yung apdo ko



Harley
Bee?



Marty
Ang sakit



Harley
Makulit ba siya?



Marty
Oo
Sabi niya siguro "mommy help din ako mag cook ng dinner nyo ni daddy" kaso ang sakit talaga



Harley
*chuckles*



Marty
Bakit tumatawa ka d'yan?
Ang sakit kaya! Ikaw kaya matadyakan sa internal organs mo tingnan natin kung 'di ka mangingiyak!


Harley
Okay okay hindi na sorry!
Ang cute lang kasi n'ong sinabi mo kanina na baka kaya nagkukulit si beebie kasi gusto rin magluto.



Marty
Gawan ko rin siya ng apron! Color yellow din para matchy sa 'tin.


Harley
Bee, anong ikaw gagawa? Ako na naman pagtatahiin mo niyan e.



Marty
Aba s'yempre!
Kung ayaw mo, palit na lang tayo. Ikaw magbuntis ako na lang magtatahi.


Harley
Oo na, sige na.


Marty
Embroider mo rin name ni beebie doon ha?



Harley
Buo ba or initials?


Marty
Nickname!



Harley
Okay.



Marty
Matchy na tayong tatlo.



Harley
May binili pala ako kaninang lunch sakto kasi sa labas ako kumain tapos may nadaanan ako.



Marty
Ano yan?


Harley
Beanie na may antena ng bubuyog para kay beebie.



Marty
Patingin!


Harley
Bee, nagda-drive ako.



Marty
Edi mamaya!


Harley
Sungit mo na naman d'yan.
Baka paglabas ni beebie masungit din siya.



Marty
O tapos?
Nagrereklamo ka ba?


Harley
Hindi.


Marty
Good.

Fool Again (Love in Paris # 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon