CDI

1.3K 120 81
                                    


INT. KITCHEN - EVENING

6:30 p.m.

A smug smile appeared on her lips.


MARTY
May magagawa pa ba tayo d'yan?


HARLEY
Hindi kasi ako mapakali sa na-send ko sa 'yo noon. Kaya hindi kita makausap kasi feeling ko baka may masabi na naman akong hindi p'wede.


MARTY
Hindi p'wede? Ano bang sinabi mo noon? Nakalimutan ko na rin.


HARLEY
Na na-miss kitang kausap.


MARTY
Tapos? 'Yan ba 'yong binawi mo?


Harley nodded.


HARLEY
Oo.


MARTY
Natatandaan mo ba kung anong reply ko noon?


HARLEY
Sabi mo okay lang.



MARTY
Ayan! Tanda mo naman pala.



HARLEY
E kasi nga baka bawal kong sabihin.



MARTY
Bakit naman bawal?



HARLEY
Kasi pinahinto mo na ako no'n tapos may boyfriend ka.



MARTY
HA?



HARLEY
'Yong umaakbay sa 'yo sa school. 'Di ba boyfriend mo 'yon? O baka manliligaw mo din noon. Nakita ko kasi kayo.


MARTY
Si Kean?



HARLEY
Ata? 'Di ko naman alam pangalan niya.



MARTY
Hindi ko 'yon boyfriend! Sa lahat naman ng aakalain mong jowa ko, 'yon pa? Ang baho pa no'n!



HARLEY
Tapos madalas ko rin kasi siya makita sa post mo kaya ayon. Naisip ko baka bawal.


MARTY
Boyfriend ko? Si Kean? Ano ba 'yan . . .



HARLEY
Bakit?


MARTY
Papansin kasi 'yon. Ang hilig mang-akbay kasi crush daw ako. Iritang-irita ako do'n tapos siya pa aakalain mong boyfriend ko?


HARLEY
Hindi ba?


MARTY
HINDI NGA, E! NAKAKAKILABOT!


HARLEY
Teka! 'Wag ka magalit.


MARTY
Nangingilabot ako! Hindi ako galit. Yamot pa naman ako doon tapos iniisip mong boyfriend ko siya? Muntik ko nga 'yon i-report sa kaka akbay niya sa akin kasi ayaw niyang tumigil.


HARLEY
Okay, okay. Sorry. Akala ko lang kasi talaga.



Marty shivered in disgust.



MARTY
Nakakakilabot talaga. Kadiri.



Natawa naman si Harley doon.



HARLEY
Ganiyan ka pala kapag ayaw mo.



MARTY
Kadiri talaga. Yuck.


HARLEY
So okay lang talaga na sinabi ko 'yon noon?



MARTY
Oo nga!


HARLEY
Kahit pinahinto mo na rin ako? Okay lang?



MARTY
Ang kulit mo. Oo nga, e. Okay lang.


HARLEY
Gusto ko lang kasi na sigurado ako kaya ko inuulit 'yong tanong.


MARTY
Okay.



HARLEY
Marty?


MARTY
Ano?


HARLEY
Applicable pa rin ba 'yan ngayon?

Fool Again (Love in Paris # 7)Where stories live. Discover now