CCXCVI

1.1K 91 50
                                    


[Twitter]

🐝🔒 @martea
Madamot ba ako?

🐝🔒 @martea
Gusto ko lang naman malaman na may exclusive din na para sa akin lang

🐝🔒 @martea
Ihahatid niya ako, ihahatid niya rin si ate pati ibang friends niya

🐝🔒 @martea
May food ako, may food din sila ate

🐝🔒 @martea
Tapos dun sa tumbler kanina bakit kailangan na siya yung magkusa? Dahil convenient? Dahil kasabay ako tapos ako magbibigay? Bakit hindi niya hayaan kay ate winnie? Magkikita din naman sila bukas sa school ah?

🐝🔒 @martea
Inuman lang din yun bakit sobrang concerned niya kay ate?

🐝🔒 @martea
Nung masakit ulo ni ate tapos nakikisandal din naman pala kay ate winnie bakit hindi na lang niya hayaan doon? Bakit hindi niya kayang tumanggi?

🐝🔒 @martea
Alam ko naman na may bond talaga sila ng mga kaibigan niya

🐝🔒 @martea
Naiintindihan ko naman na mabait tapos malambing talaga siya pero hindi ba pwede na may exclusive din para sakin?

🐝🔒 @martea
Na ako lang pwede sumandal? Ako lang pwede yumakap? Ako lang din pwede akbayan at hawakan?

🐝🔒 @martea
Hindi rin ba niya pwede bawasan kahit konti pagiging concerned niya kay ate?

🐝🔒 @martea
Gustong kong maniwala na wala na yung 4 years pero ang hirap kasi iba naman yung sinasabi niya sa nakikita ko

🐝🔒 @martea
Tulad sa pizza kanina. Marami namang pagkain sa ref. Kapag nagutom si ate may madali siyang makukuha dun o baka kumain na rin siya sa labas

🐝🔒 @martea
Isang beses lang naman ako nag request sa kanya na gusto ko para sa akin lang yung pizza na gagawin niya kasi gusto kong maramdaman na may para sa akin lang

Fool Again (Love in Paris # 7)Where stories live. Discover now