CCCLXXXII

1.1K 104 8
                                    


[Messenger]

Pia Cuangco

6:28 p.m.

Pia
Marty
Nasabi ko kay maam na naka confine ka
Ipasa mo na lang daw lab reps mo kapag okay ka na

Marty
Thank you daw
- Uly

Pia
Hala
Ikaw pala yan ulysses

Marty
Ako pinapa type ni marty
Hirap kasi siya


Pia
Ah, I see
Pasabi naman kahit sa email na lang daw or sa course messages sabi ni maam


Marty
Okay daw
Thank you rin daw


Pia
Sigeee
Welcome!
Punta pala kami tomorrow nila Rain and Derek

Marty
Anong pagkain daw gusto ninyo


Pia
Hala hahahaha
Pero kahit ano okay lang
Syempre di kami tatanggi sa libre


Marty
Okay daw ba dumplings?


Pia
Anong dumplings yan


Marty
Pork dumplings, xiao long bao
Tapos yung stir fried na noodles


Pia
Nakakagutom naman agad
Sige okay na yan!


Marty
Sige sige
See you daw sabi ni marty

Pia
See you, Marty!
Pagaling ka!

Marty
Thank you daw

INT. HOSPITAL ROOM - EVENING

6:31 p.m.

ULY
May message request ka rin pala. Silipin ko ba?


MARTY
Oo please.

ULY
Ah . . . galing do'n sa ano . . .


MARTY
Kanino?



Uly's brows slightly furrowed.


ULY
Do'n sa nagpaiyak sa 'yo.


MARTY
Open mo. Ano sabi niya?



ULY
Pangalan mo lang. Marty daw.

MARTY
Ah, okay.


ULY
Reply-an ko ba? Ano sasabihin ko?


MARTY
Hmm . . .


ULY
Sabihin ko 'bakit' o 'ano kailang mo'?


MARTY
'Wag na lang pala muna, Uly. Ako na lang siguro mag-reply sa kanya sa susunod. Wala pa akong energy.



ULY
Sure ka ba?


Marty nodded.


MARTY
Oo. Kuha mo ako ng ice chips, please?



ULY
Ayaw mo ba kumain ng pagkain? Kahit lugaw o kaya sopas?



MARTY
Ayaw ko. Natatakot ako sumuka. Ang sakit, e. Ngangata na lang ako ng yelo.



ULY
Sige. Lalabas lang ako saglit, ha. Pagpasok ko dito ayaw kong makita kang umiiyak na naman d'yan.



Napasimangot si Marty sa kakambal niya.



ULY
Kahit pula lang sa mata mo o kaya pisngi mo, bawal ha? Isusumbong na talaga kita kila Daddy.



MARTY
Oo na, hindi na. May sakit na nga ako 'di ka pa naaawa sa akin. Akala ko ba kakampi kita, isusumbong mo pa—



ULY
Bahala ka d'yan. Dehydrated ka na nga, e. Iiyak ka pa.




MARTY
Kaya nga ako ngangata ng yelo, e.



ULY
Gano'n?

Fool Again (Love in Paris # 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon