CCCVI

1.3K 95 80
                                    


[iMessage]

Daddy

April 28, 9:18 a.m.

Daddy
Di ka pa ba natutulog?

Marty
Natulog na ako daddy
Bakit?

Daddy
Bakit namamaga mata mo
Nagpuyat ka ba kagabi?
O umiyak ka?

Marty
Wala

Daddy
Umiyak ka?

Marty
😡😡😡😡😡


Daddy
Sino nagpaiyak sayo 🤨

Marty
Wala

Daddy
Talaga? Wala?


Marty
Oo nga daddy
Wala nga

Daddy
Anong grad gift gusto mo?

Marty
Hindi ko pa alam

Daddy
Sa June pa naman enrollment niyo ni uly diba?

Marty
Oo daddy
Bakit?

Daddy
Akin na passport mo
Kunin mo rin kay uly
Alis tayo

Marty
San punta?

Daddy
Ewan
Tingnan ko muna flights
Tapos mamimili ako

Marty
Oki

Daddy
Korea? Thailand? Singapore? Japan?
O sa europe?

Marty
Korea tapos Japan 🥺

Daddy
Sige

9:25 a.m.

Daddy
Flight natin mamayang alas tres ng hapon
Na book ko na. Mag impake na kayo ni uly

Marty
Gano katagal?


Daddy
4 days sa korea
Ilang araw niyo gusto sa japan?
Tagal niyo mag ikot kapag nandun eh
Sumasakit paa ko


Marty
Matanda ka na kasi daddy


Daddy
Ah ganon?


Marty
Hehe 4 days din please 🥺


Daddy
Sige


Marty
Pano pala si ate?
May pasok pa sila diba?

Daddy
Iwan daw siya
Sabi ko absent muna eh
Kaso ayaw naman

Marty
Di tayo complete 😔


Daddy
Bawi na lang sa bakasyon ni ate mo


Marty
Okiii

Daddy
Mag impake na kayo ngayon na


Marty
Tulog pa si uly
Ikaw manggising sa kanya hehe


Daddy
Ganon?


Marty
Iba sungit niya kapag ginigising tapos ikaw naman may kasalanan bat kami masungit

Daddy
Hay nako
Anak talaga kita marunong ka sumagot


Marty
😌

[Twitter]

Winnie @winonaeliza
Wala daw naaalala kagabi tong isa

Winnie @winonaeliza
Sige ipaalala natin kung pano ko sinabing icheck niya kung naka lock yung pinto pero imbis na icheck, binuksan

Fool Again (Love in Paris # 7)Where stories live. Discover now