CCLVIII

1.3K 116 27
                                    


INT. BEDROOM - AFTERNOON

1:12 p.m.

HARLEY
Saan galing 'yan, bee?

MARTY
'Di ba siya naman talaga gusto mo? Ikaw pa nag-emphasize dati no'ng four years and counting kasi hindi ka maka-move on sa kanya. Tapos no'ng pasko isang request niya lang sa 'yo, ang bilis agad ng response mo. Pero no'ng ako naka-ilang tanong ako sa 'yo sa pasta na niluto ko kung okay lang ba lasa, ang tagal mong sumagot.

MARTY
Tapos kahapon dapat sabay tayo ng lunch kasi babawi ka pero isang sabi lang sa 'yo ni Ate na mag-practice na lang kayo, naisantabi mo na ako. Tapos ngayon nagre-request ako na kung p'wede dito na lang kayo sa bahay mag-practice ng presentation ninyo kasi sinusumpong ako ng sakit ko kaya ayaw ko mag-isa, 'di mo man lang makausap si Ate para tanungin siya na kung p'wede dito na lang kayo. Pareho lang naman, ah? Practice din naman gagawin ninyo, sa TV naka-flash 'yong presentation.


HARLEY
Marty . . .


MARTY
Sige na. Bumalik ka na sa school. Nagpa-reserve ka ba ulit ng discussion room? Baka ma-late kayo doon.


Harley sighed, he shook his head in disbelief while reaching for her hand.


HARLEY
Kaya ka ba galit sa akin? Dahil doon?


MARTY
Ewan. 'Di naman ako galit.


HARLEY
Nagtatampo?



Marty shrugged, trying to release her hand from his hold but Harley managed to lace their fingers together.


HARLEY
Sorry. Ayun pala dahilan, hindi naisip. Sorry.



MARTY
Sige na. Bumalik ka na sa school. 'Wag mo na paghintayin si Ate—


HARLEY
Hindi ko naman na talaga gusto ate mo. Matagal na, bee. Hindi ko lang din siguro napansin kasi hinahayaan ko lang 'yon mawala tapos 'di ko naman na talaga gaano pinapansin. Saka no'ng pasko, hindi kita sinasagot agad kasi nga mas gusto ko kainin 'yong pasta na ginawa mo. Masarap naman talaga. Tumutulong lang din ako sa ate mo no'n.


HARLEY
Kahapon naman no'ng lunch, naisip ko lang talaga na gusto ko na matapos thesis ko. Kaya lahat ng p'wede kong gawin na preparation, ginagawa ko na. Gano'n din 'yong kanina. Nagsabi din ako sa ate mo na 'di ko siya masasamahan ng lunchtime bumili kasi babawi nga ako sa 'yo. Kaya no'ng nagtanong siya kung p'wede na after lunch mag-practice kami, hindi ko matanggihan kasi nag-pass na rin ako.


Marty remained quiet while allowing him to talk. Her eyes were fixed on her lap and her sight was blurring again. This was why she didn't want to say any of it because it sounded so selfish.


HARLEY
Bee?


MARTY
Sige na. Gawin mo na 'yang practice ninyo. Balik ka na—



HARLEY
Hindi na. Dito na ako. Magsasabi na lang ako kay Maddie.



Marty heaved her eyes and a tear fell down her cheek the instant she blinked.


MARTY
Talaga? Dito ka na lang?



HARLEY
Oo.


MARTY
Paano reservation ninyo?


HARLEY
Okay lang 'yon.


MARTY
Paano si Ate—


HARLEY
Magsasabi ako. Maiintindihan naman ng ate mo.



MARTY
Ikaw bahala.


HARLEY
Sorry na, bee.


She remained mum and Harley knew she still had her doubts.

He sighed, reaching for her cheek. He wiped away her tears before bringing his lips to hers. Harley gave her a few tiny kisses. Again and again and again just so she would understand that there was no one else for him but her.


HARLEY
Ikaw lang gustong-gusto ko.


Again and again.


HARLEY
Ikaw lang din mahal ko.


And again.

Fool Again (Love in Paris # 7)Where stories live. Discover now