CLVII

1.1K 116 114
                                    


[Messenger]

winnie

8:15 p.m.

Winnie
Bat ka nagulat?
So gusto mo nga?

Harley
Hindi ko alam

Winnie
Ha?
Bat di mo alam?
Oo o hindi lang eh


Harley
Iniisip ko rin kasi kung bat mo natanong yan


Winnie
Sinagot ko na nga eh
Pero oo o hindi?


Harley
Hindi ko talaga alam
Basta alam ko natutuwa ako kay marty


Winnie
Natutuwa?
Kahit ang sungit sungit nung batang yun?


Harley
Oo
Maaalalahanin din si marty
Di lang halata 😅


Winnie
MAAALALAHANIN?


Harley
Oo
Tapos cute din siya magsungit



Winnie
Sige
Tapos?


Harley
Natutuwa ako kapag umiirap siya

Winnie
Ano pa?


Harley
Nakakatuwa rin kapag nag aaya siya
Kasi parang bihira mangyari yun
Dapat ikaw mag aaya sa kanya eh


Winnie
Tapos?


Harley
Ayun
Cute din siya


Winnie
So gusto mo?


Harley
Hindi ko talaga alam


Winnie
E bat di mo na lang sabihin na hindi para tapos na tong q&a portion natin?


Harley
Kasi napapaisip nga ako
Kung gusto ko siya, di ba parang ang pangit nun? Tapos alam niya pa na gusto ko si maddie

Winnie
Ay weh?


Harley
Nahalata niya raw dati


Winnie
Ahh....
So si Maddie pa rin?
Gulo mo ah

Harley
Hindi ah
Di ko na rin namamalayan minsan yung kay maddie

Winnie
Pero kay Marty?


Harley
Winnie para kasing ang pangit talaga
Alam niyang gusto ko ata niya tapos gusto ko rin siya? Ano yun

Winnie
Aba malay ko sayo
Ako nga nagtatanong dito eh
Saka tingin ko naman di na yan iisipin ni Maddie kung yun yung inaalala mo kasi busy yon sa Gabbie niya. Kay Marty naman ewan ko rin. Basta wag mo na pahirapan sarili mo. Kung gusto mo edi gusto mo, sino ba ako para pigilan ka diba hahahahahaha curious lang naman ako dito eh

Winnie
Pero si marty?
Oo o hindi?


Harley
Ata??
Basta alam ko natutuwa ako sa kanya eh
Hindi ako sigurado

Winnie
Di ka sigurado????


Harley
Kasi parang iba naman
Hindi katulad kay maddie dati
Kaya hindi ako sure baka mali rin ako

Winnie
Bakit?
Pano ba yung kay maddie dati?

Harley
Yung kay maddie kasi dati hindi ako mapakali na dapat parati akong presentable, ganon? Dapat impressive ako parang ganon. Di ko naman nafi-feel yon kay marty.

Winnie
Paano kay marty?

Harley
Ang gaan kapag sa kanya
O baka dahil natutuwa nga rin siguro ako kaya ganon


Winnie
GRABE?
Baliktad ka? Kung sino pang masungit dun sa magkapatid dun pa yung magaan na feeling sayo?


Harley
Hahahahaha ewan ko rin
Nagulat pa rin ako sa tanong mo


Winnie
Nagulat din ako sa sagot mo 🙂

Fool Again (Love in Paris # 7)Where stories live. Discover now