CXCVII

1.2K 108 69
                                    


INT. KITCHEN - MIDNIGHT

12:04 a.m.

Marty was leaning against Chigo's arm while he was busy waiting for his lasagna heating up in the microwave.

MARTY
Daddy . . .

CHIGO
Ano kailangan mo?

MARTY
P'wede ba siya dito matulog?

CHIGO
Ba't dito siya matutulog? May bahay naman sila, ah? Wala ring thesis na gagawin.

MARTY
E buong araw na siya nag-drive tapos ang layo pa ng bahay nila sa atin. Kahit tomorrow na lang siya umuwi.

CHIGO
Siya ba nagsabi na makikitulog siya?


MARTY
Hindi. Ako nagsabi na dito na lang muna siya.


Chigo looked at his daughter with his brows shooting an arch. Mas lalo namang humigpit 'yong yakap ni Marty sa baywang niya.


CHIGO
At bakit?


MARTY
Kasi nga pagod na rin siya tapos 12 na rin, o? Sige na Daddy. 'Di ka ba naaawa?


CHIGO
Kailangan ko maawa?

MARTY
Sige na kasi! Bakit kapag si Ate nagpapaalam, pumapayag ka?

CHIGO
Kasi alam kong papel lang talaga inaasikaso nila.


MARTY
Ha?

CHIGO
Kaibigan mo lang ba talaga 'yan?


MARTY
Oo.

CHIGO
Sus! Alam ko na 'yan, d'yan din kami nag-umpisa ng nanay mo. Tapos iba gusto niya tapos ako 'yong nagpipigil. Hay nako!

MARTY
Ano bang sinasabi mo, Daddy? Makikitulog lang naman siya bakit ang dami mo nang sinabi?


CHIGO
Gusto mo ba siya? Oo o hindi?


Marty was taken aback by her father's direct question.


CHIGO
O? Natahimik ka? Akala n'yo hindi ako nakakahalata?


MARTY
Gusto ko siya pero friends lang talaga kami. Tapos hindi niya rin naman alam, e.


CHIGO
Oo kasi iba gusto niya 'di ba? Kaya 'di ka nagsasabi? Alam kong 'di ka nakakapagtiis, kapag may gusto't ayaw ka mabilis kang magsabi, e.


MARTY
Ha?

CHIGO
Alam kong may gusto 'yan sa ate mo.


MARTY
Alam mo rin? Paano mo nalaman?


CHIGO
Napapansin ko na rin siya dati.


MARTY
Okay . . . pero sige na kasi, pumayag ka na? Ngayon lang naman, e. Please?


CHIGO
Sus!


MARTY
Sige na!



CHIGO
Papuntahin mo dito sa kusina at kakausapin ko.


MARTY
Okay!

CHIGO
Tapos kapag nandito na siya, doon ka sa sala.


MARTY
Ha? Bakit ako sa sala?


CHIGO
Gusto mo ba akong pumayag o hindi?


MARTY
Okay po, tatawagin na tapos doon ako sa sala.

Fool Again (Love in Paris # 7)Where stories live. Discover now