CCLIX

1.1K 97 22
                                    


[Messenger]

Harleeey

4:28 p.m.

Harley
Bee? Tulog ka pa rin ba?

4:32 p.m.

Harley
Baba ka dito pagkagising mo ha
Nag order ako ng merienda natin
Yung donuts tapos may matcha ka rin
Nagpa deliver din pala ako chicken wings


4:36 p.m.

Harley
Nandito na pala si tita una
Kauuwi lang nila niya tapos pauwi na rin daw si tito
Nasabi kasi ng ate mo na pinauwi ka ng nurse
Ano raw sinabi sayo nung sa clinic?
Tinatanong din kasi nila ako eh
Kaso hindi ko sigurado ano isasagot ko

4:53 p.m.

Harley
Tapos na pala kami mag practice bee
Napabasa ko na rin kay tita yung revised na papel ko tapos sabi niya kanina mas maganda na raw and coherent kasi nawala na yung gap

Harley
Pinanood niya rin kami ni ate mo mag present kanina tapos yung mga tanong niya nasagot ko naman

Harley
Very good ako diba 🤣

5:02 p.m.

Harley
Gising ka na bee
Natunaw na ice sa matcha mo


5:30 p.m.

Harley
Tulog ka pa rin ba? 🥺

5:46 p.m.


Harley
Sorry ulit kanina ha?
I love you.


5:53 p.m.

Harley
Tulog ka pa rin ba?
Baka pala umuwi ako ng mga 6
O kaya 7:30 para di ganon ka traffic

5:59 p.m.

Harley
Bee?


(Calling Harleeey...)

Harley
Hello? Bakit ka tumawag?

Marty
Ang ginaw


Harley
Ha? Ano yun?
Nanginginig boses mo


Marty
Sabi ko ang ginaw

Harley
Akyat ba ako dyan?
Patayin ko aircon?


Marty
Patay yung aircon
Pero ang ginaw

Fool Again (Love in Paris # 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon