THRONE: 01

6.3K 192 10
                                    

ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


"Sabihin mo kung okay na ha?" ang sabi ni Milan habang isinasabit ang isang maliit na whiteboard sa inuupahan naming kwarto malapit sa bago at papasukan naming university. Nagpasiya kami na mag-rent na lang ng kwarto sa isang boarding house na malapit sa university dahil na din sa malayo sa lugar namin yung university na papasukan namin at tatlong araw mula ngayon ay mag-start na din ang unang araw namin bilang college students.


"Ayan okay na." ang sabi ko naman nang makita kong panatay na ang pagkakakabit ng whiteboard na gagamitin namin bilang sulatan ng schedules at iba pang notes namin, abala kami noon ni Milan sa pag-aayos ng kwartong inuupahan namin, naging mahabang pakiusapan kasi ito sa mga parents namin bago kami payagan kaya ngayon lang kami nakalipat, pero naging matagal man ay pinayagan din kami basta tupadin lang namin ang mga pangako namin sa kanila na wala munang alam niyo na, walang bulakbol, walang bisyo tulad ng pag-inom at iba pang mga pangako na dapat namin talaga tupadin dahil si Papa na ang nagsabi na magpapadala siya ng magiging bantay namin na hindi namin kilala at namamalayan na binabantayn na pala kami at alam ko na gagawin talaga ni Papa yon.


May dalawang kama ang kwarto naming iyon, pinagdikit namin ni Milan iyon dahil gusto na namin na magkatabi na lang kami pag natulog, kaunting hila dito at hila doon ng mga gamit, may mga dala din kaming mga karagdagang gamit tulad ng electric fan, portable DVD, laptop at iba pa, nang makatapos kaming mag-ayos ay magkatabi kaming naupo sa kama ni Milan.


"Woo sa wakas natapos din tayo." ang sabi ni Milan.


"Oo nga eh, mabuti na lang at natapos agad tayo." ang sabi ko naman ng nakangiti.


"Teka napagod ka ba? Alam ko di ka sanay sa mga gawain, tignan mo pawis na pawis ka na." ang sabi ni Milan habang kinakapa niya ang likod ko na basang basa ng pawis.


"Ano ka ba minsan lang naman to kaya ayos lang ako." ang sagot ko naman sa kanya.


"Anong ayos lang, teka nga kukuha na kita ng pamalit, hubadin mo na yang t-shirt mo." ang sabi ni Milan sabay tayo at pumunta siya sa drawer upang kumuha ng pamalit na damit, at ako naman ay wala ng nagawa pa kundi ang hubadin ang suot kong damit.


Nang makakuha ng damit ay agad na bumalik si Milan at naupo muli sa tabi ko, may kinuha din siyang bimpo at bago ako suotan ay pinunasan niya muna ang pawis ko sa katawan at sa likod ko, "hindi kita pwedeng hayaang matuyuan man lang ng pawis alam mo naman na pinangako ko kila Papa at Mama na aalagaan kita, tiyaka sakitin ka pa naman kaya dapat talaga na mas doblehin ko pag-aalaga sayo." ang sabi ni Milan habang pinupunasan niya ang aking likod at di ko naiwasang mangiti noong madinig ko ang mga sinabi niyang iyon.


"Alam ko naman yon, pero hindi mo naman ako kailangan masiyado alalahanin no." ang sabi ko at humarap muli ako sa kanya ng matapos na niya ako punasan, isinuot sa akin ni Milan ang damit na kinuha niya sa akin, pakiramdam ko ay isa akong bata noon pero masarap sa pakiramdam dahil mahal mo yung tao na gumagawa sa iyo noon.


"Hindi pwedeng hindi kita alalahanin, di ba nga ako ang knight in shining armor mo?" ang sabi ni Milan noong maisuot na sa akin ang damit, nakangiti ito sa akin ng ubod tamis at bigla na lang niya ako niyakap. "Basta pangako ko sayo na lagi kitang poprotektahan at iingatan, prinsesa ko." ang sabi niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now