THRONE: 22

2.2K 108 18
                                    

ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


"Hay naku yung dalawa talagang 'yon parang mga bata." Ang pabulong kong sabi habang naglalakad ako matapos kong makalayo kila Brent at Milan, naglakad ako mag-isa patungo ng gym, mas okay yun kasi di na kailangan pang magtalo ng dalawa.


"Alastair! Uy!" ang nadinig kong pasigaw na pagtawag sa aking pangalan, kaya naman hinanap ko kung sino ang tumawag sa akin at bumulaga sa akin si Queen na biglang sumulpot sa harapan ko.


"Grabe ka naman Queen, nakakagulat ka ha." Ang sabi ko bilang reaksiyon sa biglaan niyang pagsulpot.


"Grabe ka naman, papunta ka na ba sa rehearsal?" ang tanong niya at tumango naman ako sa kanya bilang tugon ko, "ay mabuti naman, tara at sabay sabay na tayo nila Rogue, teka nasaan na ba yun?" ang dagdag na sabi ni Queen at pareho naming inikot ng paningin ang buong paligid para hanapin si Rogue.


"Oh sino bang hinahanap niyo?" ang tanong ng biglang dating na si Rogue, ano ba tong mag-best friend na 'to parang mga pinaglihi sa kabute.


"Sino pa eh di ikaw, san ka ba nanggaling? Kanina lang kasama na kita bigla kang nawawala." Ang sabi ni Queen.


"May pagka-ulyanin ka din 'no? Inutusan mo kaya ako na bumili ng softdrinks, sabi mo kasi nauuhaw ka, at ibili ko na din si Alastair para naman lahat tayo may iniinom sa daan." Ang sagot naman ni Rogue sabay pakita sa mga softdrinks na naka-plastic pa.


"Ay oo nga pala, sorry naman, makakalimutin talaga pag maganda." Ang sabi ni Queen at agad na kinuha ang dalawa sa tatlong plastic ng softdrinks na hawak ni Rogue, at binigay niya sa akin yung isa.


"Naku salamat nag-abala pa kayo." Ang sabi ko nang ibigay ni Queen sa akin ang softdrinks.


"Naku maganda daw, eh bakit si Alastair maganda naman pero di makakalimutin." Ang sabi ni Rogue at nasamid naman ako noong madinig ko yun, kaya naman di ko naiwasan na mapaubo.


"Ha-ha ano ka ba Rogue, makakalimutin din yang si Alastair 'no, sure ako 'don, pero somehow okay na sa akin ang second place sa pageant kasi kabogera naman talaga ang beauty mo pag inayusan ka bilang babae, hay naku buti na lang friendship tayo kung hindi sasabotage talaga kita, ha-ha charot." Ang pabirong sabi ni Queen.


"Puro ka talaga kalokohan, mabuti pa ay lumakad na tayo baka tayo na lang ang hinihintay doon sa gym." Ang sabi ni Rogue at naglakad na nga kami pero patuloy pa din kami sa kwentuhan, at tuloy pa din sila sa pagpuri sa akin na hindi ko na alam ang sasabihin kundi salamat.


Nang makarating kami sa gym ay halos nandoon na ang lahat, nandoon an din si Brent na nakaupo sa isa sa mga bench habang napansin ko naman na nandoon din ang basketball team at cheerleading team ng university, marahil ay may practice din sila pero di ko pa nakikita doon sila Milan at Jordan, maging si Kathryn at yung alipores niya.


Naupo kami sa tabi ni Brent na nakatingin lang sa akin, ako naman ay tumingin sa kanya at agad ko din namang inalis ang tingin ko dahil ayoko na mabigyan pa ng ano mang kahulugan pa ng makakakita sa amin ang pagtitinginan naming iyon, ang tao pa naman ay natural na malisyoso sa mga nakikita nila.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now