THRONE: 10

2.3K 117 0
                                    

MILAN'S POINT OF VIEW:


Noong mga sandaling iyon, noong mga sandaling nakita ko na hinawakan ni Brent ang mga kamay ni Alastair nakaramdam ako ng selos, oo, nakaramdam ako ng selos sa di ko mapaliwanag na dahilan, hindi ako mababaw na tao na basta basta nagseselos sa isang tao na dumidikit kay Alastair, pero sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng tila ba isang threat sa akin si Brent. Nakatingin lang ako kay Alastair noon, ngunit maging siya ay tila ba gulat sa nangyari, tila wala pa siya sa sarili niya kaya naman ibinaling ko na lamang ang aking atensiyon kay Ms. Bernabe na patuloy pa din sa pagdi-discuss sa mga programs na gaganapin sa acquaintance party.


"Hindi ba't bagay silang dalawa?" ang bulong ni Kathryn na tiyak na tinutukoy ay sina Alastair at Brent.


"Pwede ba na tumahimik ka na lang Kathryn?" ang sabi ko na pabulong, pinipigil ko na mainis ako dahil ayoko magpaapekto sa anumang sinasabi o sasabihin pa ni Kathryn.


"Apektado ka pero ayaw mo pa aminin? Nakakatuwa ka talaga Milan, sana lang magising ka na sa kalokohang ito." ang sabi pa ni Kathryn pero hindi ko na lamang ito pinansin pa bagkus ay nagpanggap na lamang ako na nakikinig sa mga sinasabi ni Ms. Bernabe.


Nang matapos ang klase ay hinintay ko lang na maglabasan ang aming mga kaklase, tanging naiwan na lamang noon ay ako, sila Michelle, Jordan, Kathryn, Pilar, Penelope, si Alastair at Brent na kasalukuyang nakadukdok pa din sa desk nito. Lumapit ako sa upuan ni Alastair na kasalukuyang inaayos niya ang mga gamit niya.


"Ano tara na?" ang sabi ko na hindi pinapahalta kay Alastair ang selos ko.


"Uhm sige, pero itong si Brent, gisingin muna natin." ang sabi ni Alastair na tila ba nakadagdag ng inis ko, pero pinilit ko pa din ang sarili ko na hindi ito ipahalata sa kanya.


"Huwag mo nang gisingin yan, tiyak naman na gising yan." ang sabi ko naman.


"Uhm sige." ang tanging sagot ni Alastair at tumayo na siya at isnukbit sa kanyang balikat ang bag niya.


"Bakit nagseselos ka ba?" ang tila nadinig kong sinabi ni Brent kaya naman sa halip na umalis na kami ay tumingin ako kay Brent na nakadukdok pa din sa desk niya, iniisip ko na lamang na baka nasa isip ko lang iyon kaya tumalikod na ulit ako at kasabay na naglakad si Alastair para lumabas ng room.


"Ayos ka lang BB?" ang tanong sa akin ni Alastair habang naglalakad kami papunta kila Michelle at Jordan na nasa pinto na ng room at hinihintay kami.


"Oo naman ayos lang ako." ang sabi ko naman at umakbay ako sa kanya.


Nakalabas na kami nang building noon, papunta na kami sa canteen ng university para doon na lamang kumain at magpalipas ng vacant time, napansin ko na tahimik din si Alastair tulad ko, tanging si Michelle lamang ang maingay sa dami ng kwento tungkol sa mga paborito niyang artista, habang si Jordan naman ay tila naingayn na kay Michelle kaya naman nagpasak na lang siya ng earphones sa tenga niya.


Nang makarating na kami sa canteen ay naghanap na agad kami ng table na pupwestuhan namin, medyo madami na din ang estudyante na nandoon, yung iba kumakain, yung iba naman tumatambay lang, medyo maingay din sa canteen dahil sa naghalong tunog na ginagawa ng mga kumakain at nagdadaldalan, nakahanap kami ng puwesto malapit sa isang vending machine at doon ay naupo na kami.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now