THRONE: 14

2.2K 103 1
                                    

MILAN'S POINT OF VIEW:


Magdidilim na nang magpasya kaming umuwi ni Alastair, masiyado namin na-enjoy ang oras ng kaming dalawa lamang pero wala akong pinagsisisihan dahil sulit naman talaga ang pagliban namin sa klase sa araw na ito at ang malupit pa don ay siya pa ang mismong nagyaya para lumiban. Nakaakbay ako sa kanya habang naglalakad kami, isa-isa na ding bumubukas ang mga ilaw sa poste at mga shops na nadadaanan namin, dahil na rin sa mabilis ang pagkalat ng dilim, mas gumaganda tuloy ang kalsada dahil sa mga ilaw, at mas nakakatuwang pagmasdan si Alastair sa mga sandaling iyon, makikita mo sa kanyang mukha ang saya habang pinagmamasdan niya lahat ng aming dinadaanan.


"Baka naman matunaw na ko niyan ha." ang biglang sabi ni Alastair, hindi ko na napansin na nakatingin na din pala siya sa akin kaya naman bigla kong ibinaling sa ibang direksiyon ang aking tingin.


"Bakit ka naman matutunaw?" ang bigla ko na lamang nasabi.


"Asus akala mo ba di ko alam na kanina mo pa ko pinagmamasdan." ang sabi ni Alastair.


"Hindi ah, bakit naman kita titignan, tumitingin ako sa mga dinadaanan natin na mga shop." ang sabi ko naman bilang sagot.


"Asus, si BB palusot pa, huling huli kaya kita, tsaka ayan oh nagba-blush ka." ang sabi ni Alastair na para bang nang-aasar pa.


"Hindi kaya!" ang napalakas kong sabi kaya naman napahinto at napatingin lahat ng nakadinig sa akin at mabilis na tinakpan ni Alastair ang aking bibig at pareho kaming nakaramdam ng kaunting hiya pero pareho din kaming gustong tumawa sa mga oras na iyon.


"Pasensiya na ho kayo, gutom lang po itong kasama ko kaya nag-aala dragon na po." ang sabi ni Alastair bilang palusot at mabilis kaming tumakbo palayo sa mga taong nakatingin pa din sa amin.


Nang makalayo na kami sa mga tao ay nagtawanan kaming dalawa ni Alastair nahampas pa nga ako ni Alastair sa balikat, kahit paano may katotohanan din naman ang sinabi ni Alastair na gutom ako kaya naman niyaya ko na siya na kumain na muna kami sa pinakamalapit na pwede namin kainan, sa McDonald's sana kami kakain pero nakakita ng turo-turo si Alastair at doon niya ako hinila para kumain, dahil nga anak mayaman tong si Alastair ay hindi pa niya nasubukan noon ang kumain sa mga ganitong klase ng kainan kaya ako naman ay suportado ko lang ang gusto niya dahil masaya din naman ako pag nakikita ko siyang masaya, tulad ngayon parang nakakita ng baul ng kayamanan at parang bata na hindi makapili sa dami ng gusto tikman na pagkain.


Bago kami umuwi nang tuluyan ay bumili pa ng pagkain si Alastair para daw may makain pa kami, hindi ko akalain na malaki pala ang appetite nitong si Alastair, bakas na bakas ang saya sa kanya at dahil nga doon ay nakalimutan na namin pareho ang maliit na pagkailang at tampuhan namin kanina, kung tutuusin nga walang kakwentakwentang tampuhan iyon dahil masiyado lang kami pareho nagpaka-immature.


Nang makauwi na kami ay hinubad namin ang sapatosa namin at agad na nilagay ni Alastair sa hapag kainan yung plastic ng mga pagkain na binili niya akala ko nga ay maghahain siya eh pero pagkalagay niya ng pagkain sa mesa ay nahiga siya sa kama namin, marahil napagod ang pasaway sa maghapon na gala namin, inilagay ko ang bag naming dalawa sa ilalim ng study table at naghubad na ako ng t-shirt para magbihis ng pambahay.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now