THRONE: 04

3.1K 114 4
                                    

ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


Nang makarating na kami sa mall kung saan ang huling destinasyon ng public van na sinakyan namin ay agad na kaming bumaba para makagala, sa daan pa lang papunta dito ay ang dami ko nang natutunan sa mga kasama namin at bagong kaibigan na maituturing namin ni Milan. Ang dami nilang magagandang pananaw tungkol sa relasyon at buhay, humahanga ako sa mga taong tulad nila Alessandra, Scarlet, Michelle at Jordan dahil sa nagawa nilang maging bukas ang isipan nila, nagawa nilang unawain ang mga taong hirap na umunawa.


Sa paglilibot namin sa mall ay kung ano-anong shop ang pinasukan namin, simula sa damit, pabango, bookstore, phone shops at kung ano-ano pa, pero sa kalagitnaan ng aming pag-iikot ay nakaramdam din kami pare-pareho ng gutom kaya naman humanap kami ng pwede namin makainan na fast food restaurant sa loob ng mall, pero sa dami ng tao noong araw na iyon sa mall ay nahirapan kami na humanap ng makakainan hanggang sa matapat kami sa isang Japanese theme restaurant na hindi gaanong dinadagsa ng customer kaya naman doon na lang namin napagdesisyunan na kumain, nang maka-order na kami ay nasulit namin yung unlimited rice promo at iba pang pagkain na inorder naminnila dahil sa gutom.


"Nakakapagtaka bakit kaya kakaunti lang kumakain dito eh masarap naman yung pagkain na sini-serve nila dito." ang tanong ko sabay subo ng chiken maki na sinawsaw ko sa special sauce.


"Tama ka don Alastair, nakakapagtaka na kaunti lang ang kumakain dito, kahit ako nga na first time kumain ng ganitong pagkain ay nagustuhan ko agad." ang sabi naman ni Michelle bilang pagsang-ayon.


"Naku ganyan talaga pag hindi sanay ang mga tao sa mga bagay na kakaiba sa kanila, takot na subukan dahil iniisip nila na taliwas na agad sila pagiging normal." ang sabi ni Alessandra at napatingin lang kami sa kanya noong sinabi niya iyon, "Oh bakit niyo ko tinitignan?" ang tanong niya sa amin habang kumakain ng tempura.


"Haha paano kang di titgnan eh may hugot ka sa sinabi mo." ang sabi naman ni Scarlet at natawa naman din kami dahil iyon talaga ang dahilan bakit kami napatingin kay Alessandra, pero at the same time may point si Alessandra sa sinabi niyang iyon, madami talagang tao ang takot na sumubok sa mga bago o kakaibang bagay sa paningin nila.


"Totoo lang ang sinasabi ko wag nga kayo." ang sabi naman ni Alessandra at kumain naman siya ng maki at natawa na naman kami kasi lumalabas ang pagkamaton niya sa pagkain.


Nang matapos kami kumain ay nagpahinga at nagkuwentuhan na kami pansamantala para hayaang bumaba muna ang aming kinain, nang bumaba na ang kinain namin ay nagpasiya na kaming umalis agad sa restaurant na iyon na may dala-dalang take-out para ipasalubong namin kay ate Doris. Pinagpatuloy namin ang aming paglilibot sa mall, tingin dito, tingin doon ang naging drama hanggang sa isang pamilyar na mukha ang makita namin sa mall na iyon.


"Riyo!" ang sigaw ko agad noong makita ko si Riyo na tumitingin sa mga damit sa isang shop ng sikat na clothing brand, nang madinig niya ang pagtawag ko sa kanya ay napatingin agad ito sa direksiyon namin at isang wagas na ngiti agad ang nakita ko sa kanya. Agad siyang lumapit sa amin at nabigla ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin ng sobrang higpit.


"Oy, oy, oy tama na yang yakap na yan ha nagseselos na ko." ang sabi ni Milan nang matagalan si Riyo sa pagyakap sa amin.

Princess Prince IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon