THRONE: 21

2.2K 95 3
                                    

MILAN'S POINT OF VIEW:


"Brad salamat sa tulong niyong lahat ha, di magiging possible ang lahat ng 'to kung di niyo ako tinulungan na gawin ang lahat lahat." Ang sabi ko bilang pasasalamat kila Gino bago sila tuluyan na umalis matapos nila kaming ihatid sa aming tinutuluyan.


"Wala yun, halos magkakadikit na nga bituka natin di ba." Ang sabi naman ni Gino bilang tugon.


Bago tuluyang umalis sila Gino ay nagpasalamat na din sa kanila sila Alastair, Michelle, Jordan, Scarlet, at Alessandra, nang matapos na yun ay umalis na nga sila habang kami ay nakatayo lamang doon sa gate ng paupahan at pinagmamasdan ang pag-alis ng aming mga kaibigan.


Nang makaalis na sila ay naglakad na din kami papasok ng gate para naman kami na ang magpahinga, narinig ko pa ang paghikab ni Alastair na mukhang inaantok na din.


"Mukhang inaantok ka na CC ah." Ang pabulong kong sabi.


"Hindi naman masiyado, masiyado lang talaga kasi ako nag-enjoy, salamat ulit ha." Ang sabi ni Alastair.


"Wala yun ano ka ba ikaw pa ba." Ang sabi ko naman bilang tugon.


"Naku akala ko tapos na yung kilig moment niyo ha, may continuation pa pala dito." Ang sabad ni Scarlet ng madinig kaming nag-uusap.


"Ha-ha, oo nga nakakainggit na kayo ha. Siya nga pala Alastair namangha ako sayo kanina super ganda mo talaga pala pag naging babae ka, sabi nga kanina ni Queen ay aatras na siya sa pageant at susuportahan ka na lang niya." Ang pabirong sabi ni Michelle.


"Naku kayo talaga, nahihiya nga ako na nakita niyo ako na ganun." Ang sabi ni Alastair na nakangiti lamang.


"Hindi ah ang ganda mo talaga kanina di kami makapaniwala na ikaw talaga yung sinasayaw ni Milan, kaya di na ko magtataka na mahal na mahal ka nitong si Milan, maganda ka na, mabait at matalino ka pa." ang sabi naman ni Alessandra bilang pagpuri kay Alastair, tanging ngiti na lamang ang nabibigay na sagot ni Alastair dahil sa kahit paano ay nakakaramdam talaga siya ng hiya, pero natutuwa ako dahil alam kong napasaya ko talaga siya kanina.


Nang makapasok na kami sa inuupahang kwarto namin ni Alastair, kinuha niya sa akin si Kiko na pasan pasan ko na tulog na tulog pa din noong mga sandaling iyon, maingat niya itong binuhat habang ang ngiti sa kanyang mga labi ay hindi pa din nabubura, maingat niyang hiniga ang kapatid kong si Kiko sa aming kama at kinumutan niya ito.


"Ang cute talaga ng kapatid mong 'to." Ang sabi ni Alastair habang pinagmamasdan niya ang tulog na tulog na si Kiko.


"Mas cute naman ako diyan." Ang biro kong sabi.


"Ha-ha naku BB wag ka na mangarap." Ang sabi naman ni Alastair bilang biro.


"Grabe, ibig mong sabihin hindi ako cute?" ang patanong kong sabi.


"Ha-ha hindi ako nagsabi niyan." Ang sabi ni Alastair, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tabi ni Kiko, pumunta siya sa drawer ng damit namin at mula dito ay kumuha siya ng isang damit ko at ibinigay sa akin ito, "heto magpalit ka na muna, pawis na pawis ka na oh." Ang sabi ni Alastair, at nang kuhanin ko ang damit ko sa kanya ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi at patakbo akong pumunta ng CR at siya ay iniwan ko na tila bigla pa sa ginawa kong paghalik sa kanya.

Princess Prince IIWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu