THRONE: 28

2.1K 98 5
                                    


ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


"Ijo ayos ka lang ba? Parang medyo namumutla ka yata?" ang bungad na tanong sa akin ni manang Isay nang magtungo sa dining room ng bahay namin, naabutan ko siya doon na naghahain ng aking kakainin para sa almusal.


"Ah, opo ayos lang naman po ako, 'wag niyo po ako alalahanin, pero makikiusap po sana ako na samahan niyo po ako sa pagpunta kay lolo Marcelo." Ang sabi ko at nang madinig ni manang Isa yang sinabi ko na iyon ay di niya naiwasan na may matapon sa juice na nilalagay niya sa baso.


"Susmaryosep na batang ito, hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo tungkol diyan? Alam mo naman na kung gaano nakakatakot ang lolo Marcelo mo di ba?" ang sabi ni manang Isay at humiwa ako ng maliit na piraso sa tapa na ulam ko.


"Kaya nga po ako nagpapasama ako sa inyo, kahit morale support lang mula sa taong malapit sa akin sana ay meron, hindi ko naman po kasi pwede na isama sila mama at papa dahil alam ko na sila pa ang kauna-unahang pipigil sa gagawin kong ito." Ang sabi ko naman kay manang Isay at isinubo ko ang piraso ng karne, alam ko sa sarili ko na buo na ang desisyon ko na gawin ang pagharap kay lolo Marcelo pero sa tuwing papasok sa utak ko ang komprontasiyon na magaganap sa pagitan namin ni lolo ay di ko maiwasan ang panghinaan ng loob.


"Ijo ayos ka lang ba? Bakit parang natigilan ka yata bigla." ang tanong sa akin ni manang Isay.


"Ah okay lang po ako, wala lang po siguro ako gana na mag-almusal pa, mabuti pa po ay magpre-prepare na po ako, kayo din po paasikaso niyo na lang po sa ibang kasambahay natin yan, pasabihan na din po si manong Obet na ihanda ang sasakyan, gusto ko na matapos ang paghihirap nila mama at papa." Ang sabi ko at mabilis akong tumayo sa aking pagkakaupo at umalis agad sa dining room.


Nang makagayak na ako ay agad akong lumabas ng bahay, sinalubong ako ni manang Isay na nakabihis din ng pormal, pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni manong Obet, nagpasalamat ako kay manong Obet bago ako pumasok, sa harap naman sumakay si manang Isay na pinagbuksan din ni manong Obet ng pinto.


"Ijo, sigurado ka na ba talaga dito?" ang tanong sa akin ni manang Isay na nilingon pa ako at tila umaasa pa na magbabago pa ang isip ko.


"Opo manang sigurado na po ako, hindi ko naman po gagawin ito para sa sarili ko, gagawin ko po ang lahat ng ito para kila mama at papa, para sa pamilyang ito, ayoko na makita silang nahihirapan lalo't ako ang dahilan." Ang sabi ko bilang sagot.


"Alastair, wag mo mamasamain ang sasabihin ko ijo ah, walang sumisisi sayo sa mga nangyayari ngayon, hindi mo kailangan magsakripisyo lalo na kung kaligayahan mo ang hinihingi na sakripisyo." Ang sabi ni manong Obet.


"Kaligayahan ko din sila mama at papa, at kung ang pagiging malaya ko sa kung ano o sino ako ang hihinging kapalit ni lolo para lang itigil niya ang ginagawa niyang pangigipit kila mama at papa gagawin ko, sige na po umalis na po tayo wag na po tayo mag-aksaya pa ng oras." Ang sabi ko bilang tugon at wala na din silang pagtutol na ginawa pa.


Medyo may kalayuan din ang lugar kung saan matatagpuan ang company building na pagmamay-ari ni lolo Marcelo pero dahil angkataong maganda at mabilis ang daloy ng trapiko noong araw na iyon ay mabilis kaming nakarating doon, sa paghinto ng sasakyan namin sa parking lot ng kompanya ni lolo Marcelo ay nakaramdam ako ng panlalamig at panginginig sa aking kalamnan.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now