THRONE: 32

2.4K 104 2
                                    

MILAN'S POINT OF VIEW:


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa katok sa pinto, hindi ko alam kung sino ang aasahan ko na makikita ko sa pagbukas ko sa pinto dahil sa wala naman din talaga akong inaasahan na pupunta sa umagang iyon, imposible naman na sila Gino ang pumunta dahil sobrang aga pa para sa plano namin, ilang katok pa ulit ang aking nadinig bago ako tuluyang bumangon, mabilis akong naghilamos at nagsipilyo, pagkatapos ay dalidali kong binuksan ang pinto habang nagpupunas ng mukha hawak ang isang tuwalya.


"Pasensiya na kung natagalan a...ko..." ang sabi ko na halos matulala ako nang makita ko kung sino ang kumakatok, si tito Alfons, ang papa ni Alastair, "Tito Alfons, ma-ma-magandang umaga po..." ang dagdag ko na halos mautal pa ako.


"Magandang umaga din ijo, pasensiya na kung nakaistorbo ako sa tulog mo." Ang sabi naman ni tito Alfons.


"Ah hindi po, basta po kayo tito, hinding hindi po kayo magiging istorbo sa akin, pasok po muna kayo tito." Ang sabi ko habang inaalok na patuluyin si tito Alfons.


"Ah hindi na ijo dahil aalis din naman tayo, tiyaka kung maaari sana ay papa na lang din ang itawag mo sa akin, dahil anak na din naman ang turing ko sa iyo." Ang sabi ni tito Alfons na di ko inaasahan pero napaisip ako bigla sa kung bakit niya nasabi na aalis kami, at kung saan naman kami pupunta ng ganoong kaaga.


"Ah tito..." ang di ko agad natuloy na sabi dahil sa tumingin agad sa akin si tito Alfons na parang sinasabi na papa na lang ang itawag ko sa kanya, "Ah pasensiya po papa pala, san naman po tayo pupunta, at tiyaka kasi gusto ko na malaman niyo po sana na kami ni Alastair ay..." ang hindi ko natuloy na sabi dahil sa bigla akong hinawakan ni tito este papa Alfons sa aking mga balikat.


"You don't have to tell me anymore ijo, alam ko na you and my son got some trouble in your relationship, but before I ask you if you will come with me or not, I need you to answer a very important question first." Ang sabi ni papa Alfons na nataling nakapatong ang mga kamay niya sa aking balikat at nakatingin sa aking mga mata.


"Opo naman po, ano po ba yon?" ang sabi ko naman bilang sagot.


"Milan, ijo do you still love my son?" ang walang paligoyligoy na tanong ni papa Alfons, at nang madinig koi yon ay hindi ko naiwasan ang ngumiti habang diretsong nakatingin sa mga mata ni papa Alfons.


"Opo, mahal ko pa din po si Alastair at kahit kailan hindi po nagbago ang pagmamahal ko para sa kanya, kahit kailan hinding hindi mawawala ang pagmamahal na meron ako para sa kanya." Ang sabi ko bilang sagot ay ngumiti sa akin si papa Alfons, pero mas nabigla ako ng bigla niya ako yakapin, isang yakap na nagmula sa isang mapagmahal na magulang.


"Maraming salamat ijo sa pagmamahal mo sa aking anak, maraming salamat at nandiyan ka para sa kanya, hindi ako nagkamali na karapatdapat ka talaga sa aking anak, dahil sayo nakita ko na sumaya siya, at ikaw din ang nagbukas ng isipan namin para makita namin ang pagkukulang namin sa kanya, kaya sana wag na wag mong bibitawan at iiwan ang anak ko." Ang sabi ni papa Alfons sa akin.


"Oo naman po, hinding hindi mangyayari na iwanan ko si Alastair, hinintay at hinanap ko po siya ng matagal, at minahal ko siya at minahal niya din ako ng higit pa sa inaasahan ko, binago din ako ng anak niyo kaya tanga na lang ako pag pinakawalan ko pa po siya." Ang sabi ko naman at bumitaw sa pagkakayakap sa akin si papa Alfons at muli niya akong binigyan ng isang ngiti.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now