THRONE: 29

2.2K 103 5
                                    


ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


Nagising ako na medyo may sakit pa ng ulo akong nararamdaman, dahil sa Malabo ang aking mata ay pilit ko na kinapa ang aking salamin sa mata, agad ko naman itong nakapa sa aking ulunan at agad ko din itong sinuot, nang maisuot ko ang aking salamin ay mas mabuti kong naaninag ang lugar kung nasaan ako, nasa aking kwarto ako sa aming bahay, hindi ko matandaan kung paano ako nakapunta dito dahil natatandaan ko pa na sa sidewalk ako nawalan ng malay.


"Paano ako nakauwi, hindi kaya si..." ang pabulong kong sabi ng maalala ko ang huling tao na nakita ko bago ako mawalan ng malay, bababa na sana ako sa aking kama ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto.


"Salamat sa Diyos at nagising ka na anak." Ang bungad na sabi ni mama nang makita na akong nakabangon, dalidali siyang lumapit sa akin at naupo sa aking kama at agad akong niyakap ni mama, di ko mapigilan na mangiti noong mga sandaling iyon, ang yakap ni mama, sobrang init at ginhawa sa pakiramdam.


Hindi ako umimik bagkus ay ginantihan ko lang ng yakap si mama, yakap na para bang sobra akong nasabik kay mama, pero mayamaya lamang ay di ko na namalayan na umiiyak na pala ako, napaiyak ako dahil sa bigla kong naalala si Milan, naramdaman ko na gustong bumitaw ni mama sa pagyakap sa akin dahil marahil ay gusto niyang malaman ang dahilan ng aking pag-iyak pero sa halip na hayaan na makabitaw siya ay hinigpitan ko ang yakap ko kay mama, para akong isang bata nong mga sandaling iyon, isang bata na nakahanap ng isang lugar kung saan pwede ko ibuhos ang aking kalungkutan, at iyon ay sa mga bisig ni mama.


"Anak, Alastair may problem aba? May nararamdaman ka bang masakit sayo? Bakit kaba umiiyak ijo?" ang sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni mama.


"Wala po mama, wala pong problema, masakit lang po ulo ko pero naiiyak lang po ako kasi masaya ako na nadito kayo ngayon." Ang sabi ko habang patuloy pa din ako sa aking pag-iyak.


"Asus ang unico ijo namin oh naglalambing, pagpasensiyahan mo na kami ng papa mo kung nung dumating ka hindi ka namin naasikaso, sana ay di sumama ang loob mo sa amin, mahal na mahal ka namin ng papa mo ijo." Ang sabi ni mama sa akin habang tinatapik niya ako ng marahan sa aking likod.


"Mahal na mahal ko din po kayo mama ni papa, handa po akong gawin ang lahat makita lang kayo na masaya, mama simula ngayon magiging maayos na ang lahat." Ang sabi ko at bumitaw kami sa aming yakapan, pinahid ni mama ang aking mga luha at sinuklian ko siya ng isang ngiti.


"Anong ibig mong sabihin na magiging maayos na ang lahat ijo?" ang tanong sa akin ni mama.


"Ang ibig ko lang sabihin ma ay wala na kayo dapat pang ipag-alala pa." ang sabi ko, "siya nga pala ma sino ang naghatid sa akin dito?" ang agad kong tanong para di na usisain pa ni mama ang sinabi ko kanina.


"Ah kaklase mo daw at malapit na kaibigan, Brent ang pangalan niya, nagkita daw kayo today tapos sa kalagitnaan ng paglalakad niyo nawalan ka daw bigla ng malay, kaya nung dinala ka na dito ni Brent pinatawag namin si Dr. Madrigal noong wala ka pang malay at sabi naman ni Doc Madrigal ay sa pagod lang daw kaya ka nawalan ng malay." Ang sabi ni mama, di ako agad nakatugon kay mama dahil napaisip ako sa kung paano nalaman ni Brent ang bahay naming ito, at di ko na din naiwasan pang isipin ang kasunduan namin ni lolo Marcelo kapalit ng pagtigil ng panggigipit niya kila mama at papa.

Princess Prince IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon