THRONE: 18

2.2K 95 5
                                    

ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


Sabay kaming nakarating ni Brent sa gym, sa tapat ng entrance door ng gym ay huminto pa kami pareho ni Brent dahil sa nakasara ito, nakakarinig kami ng ilang ingay mula sa loob ng gym, marahil ay nag-uumpisa na mag-practice na yung cheerleading team at baskeball team.


"Ano di pa ba kayo papasok?" ang tanong sa amin ng isang boses ng lalaki mula sa aming likuran at sabay kaming napalingon ni Brent, at nakita namin ang dalawang lalaki ang isa ay may katangkaran na may pagkamoreno at medyo mukhang banat ang katawan, at ang isa naman ay halos kasing tangkad ko lamang pero halata na malambot.


"Ah papasok din naman kami, nahihiya lang naman kasi kami na biglang pumasok dahil nadidinig namin na nag-uumpisa na magpraktis yung nasa loob." Ang sabi ko naman.


"Ah ganon ba, sabagay hirap din na umagaw ng eksena." Ang sabi ng lalaki na kasingtangkad ko lamang.


"Ganyan ka ba Alastair?" ang biglang tanong sa akin ni Brent at napatingin ako sa kanya.


"Huh anong ibig mong sabihin?" ang tanong ko agad sa kanya, at tumingin siya sa akin na medyo nakasalubong pa ang kilay niya.


"Ugali mo ba nakikipag-usap sa mga tao na di mo pa kilala?" ang tanong niya sa akin at medyo natahimik ako dun dahil may point siya.


"Pero, pero estudyante naman sila pareho dito ah, sa tingin mo ba makakagawa sila ng masama?" ang tanong ko kay Brent.


"Alam mo hindi lahat ng mukhang anghel, ay galing sa langit, kaya naman hindi lahat ng mukhang estudyante at naka-uniporme na tulad natin ay nanggaling din dito, anong malay mo kung nakalusot lang sila sa guard." Ang sabi ni Brent.


"Excuse me lang ha, nadidinig namin kayo, pero may point naman tong kasama mo na may pagkamasungit, Alastair right? Ako nga pala si King San Isidro but you can call me Queen, alam mo na di naman talaga kasi ako hari." Ang pagpapakilala ni King este Queen sa amin sabay handshake sa akin, "at ito namang kasama ko na matipuno na mukhang kargador ang katawan pero still pang prinsipe ang feslak ay si Rogelio Samson." Ang dagdag na pagpapakilala ni Queen sa kasama niyang si Rogelio.


"Pero Rogue na lang tawag niyo sa akin, yun din naman kasi tawag ng iba kong kaklase sa amin." Ang sabi ni Rogelio at nakipagkamay din siya sa akin, makikipagkamay sana sila kay Brent pero may pagkasuplado talaga si Brent kaya naman di ito nakipagkamay sa kanila.


"Pasensiya na kayo sa kanya ha, medyo sumpungin lang kasi siya." Ang sabi ko at tumingi siya sa akin at napangiti na lang ako, "Ako si Alastair Montesavedra, at siya naman si Jan Brent Cruz, Brent na lang itawag niyo sa kanya." Ang pagpapakilala ko naman.


"It was nice to know the two of you, feeling ko naman makakasundo namin kayo lalo ka na Alastair feel ko makakasundo kita." Ang sabi ni Queen.


"Ano magdadaldalan na lang ba tayo dito o papasok na tayo sa loob?" ang sabad ni Brent na may halong pagsusungit.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now