THRONE: 25

2.1K 93 2
                                    


ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


Nang magising ako mula sa aking pagkakatulog ay nakarating na kami ni mang Obet sa aming bahay, bago ako bumaba nang sasakyan ay inayos ko muna ang aking sarili at nang masatisfied na ako ay tiyaka ako bumaba ng sasakyan bitbit ang bag ko, sa pagbaba ko lang napansin na gabi na pala noong makarating kami ng bahay, at bukod doon ay di man lang ako sinalubong nila Mama at Papa, napahinga ako ng malalim, marahil ay busy na naman sila sa mga bagay bagay tungkol sa negosyo, pero kahit paano ay ayos na din iyon dahil walang mag-uusisa sa akin kung bakit ako nagpasya na umuwi.


"Pasok na po ako mang Obet sa loob, salamat po sa pagsundo sa akin." Ang sabi k okay mang Obet na pinupunasan ang sasakyan.


"Sige ijo, wala 'yon." Ang sabi ni mang Obet bilang tugon at ngumiti ako sa kanya pagkatapos ay nag-impisa na ako na lumakad para pumasok ng bahay, "ah siya nga pala ijo." Ang biglang sabi ni mang Obet at napahinto ako sa aking paglakad at humarap ako sa direksiyon niya.


"Ano poi yon mang Obet, may problema po ba?" ang tanong ko bilang pag-uusisa.


"Ah wala ijo, sige na pumasok ka na para makapagpahinga ka na." ang sabi ni mang Obet, pero nabanaag ko na sa mukha niya na may gusto siyang sabihin pero hindi niya ito masabi ngunit minabuti ko na lamang na wag na itong usisain pa at tumuloy na ako sa pagpasok sa bahay.


Sa aking pagpasok sa loob ng bahay ay agad akong sinalubong at binalot ng katahimikan, tila ba pumasok ako sa isang confinement room, napabuntong hininga na lamang ako habang hinuhubad ko ang aking sapatos at inilagay koi to sa isang sulok at sinuot ko ang isang pares ng sinelas na pambahay, nakakabingi ang katahimikan ng bahay namin, unti-unti din akong dinadala ng katahimikang ito sa nakaraan, sa pamahong tanging kalungkutan at pag-iisa lang ang nararamdaman, sa panahong ang buhay ko ay tila ba isang malaking kalokohan at pagsasayang ng oras sa kawalan.


Naglakad ako patungo sa hagdan upang umakyat na patungo sa aking kwarto, para makapagpahinga na at nang makaiwas na din muna kila mama at papa kung sakali mang bigla silang dumating, sa bawat paghakbang ko ay para bang humahakbang na ako pabalik sa nakaraan, tila humahakbang ako pabalik sa dating mundo na kinagisnan ko, ang mundo na wala si Milan, ang mundo na walang handang magmahal sa akin sa kung sino ako, napabuntong hininga na lamang ako noong itapak ko na ang isang paa ko sa unang baitang ng hagdan.


"Nakauwi ka na pala anak." Ang sabi ng pamilyar na boses ng isang babae mula sa aking likuran at agad ko naman siyang nilingon.


"Manang Isay." Ang tangi kong nasabi at ngumiti ako kay Manang Isay upang ikubli ang lungkot na nadarama ako, lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya, "namiss ko po kayo." Ang dagdag kong sabi habang nakayakap ako sa kanya.


"Naku ijo namiss din kita, ano kumain ka na ba?" ang tanong sa akin ni Manang Isay, at bumitaw ako ng yakap sa kanya.


"Uhmm opo kumain na po ako bago ako umuwi." Ang sabi ko bilang tugon.


"Hay naku ilang oras na yung nakakalipas na yon ha, naku kumain ka na lang ulit paghahain na kita." Ang sabi ni Manang Isay sa akin.


Princess Prince IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon