THRONE: 15

2.3K 99 7
                                    

ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


Naalimpungatan ako noong madaling araw na iyon, madilim ang buong kwarto dahil sa nakapatay ang mga ilaw, yung liwanag naman mula sa poste sa labas ay di din nakakapasok sa kwarto dahil sa nakatabing ang kurtina sa bintana, di ko talaga namalayan na nakatulog na pala ako noong makauwi na kami ni Milan,nang bumangon ako at hinawi ko ang kurtina upang may makapasok na liwanag sa kuwarto ay doon ko lamang napansin na iba na ang suot ko, marahil ay pinalitan na ni Milan ang uniform kong suot kanina at ganoon ako kahimbing ang tulog ko dahil hindi man lang ako nagising, tiwala naman ako na hindi din sasamantalahin ni Milan ang mga ganoong pagkakataon na maangkin ako, una dahil alam ko na hindi siya ganoong klase ng tao, ikalawa pareho kaming may pangako sa mga magulang namin na dapat tupadin, at ikatlo nirerespeto ako ni Milan, muli akong naupo sa kama at tila ba para akong isang computer na kakabukas pa lamang at nagre-reboot.


Pagkatapos kong tumunganga ng ilang minuto ay doon ko pa lang napansin na wala sa tabi ko si Milan, mula sa kama namin ni Milan ay inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto namin at napansin ko ang liwanag mula sa kusina kaya naman agad akong bumaba ng kama at tinungo ang kusina, doon ko nakita si Milan na nakadukdok sa mesa na may study lamp na siyang pinagmumulan ng liwanag, agad kong inusisa kung ano ang ginagawa ni Milan na nakatulugan na niya, kinuha ko ang notebook na nakalagay sa mesa at binuklat ko ito, nabasa ko dito ang mga naging lessons sa mga subjects namin kahapon noong di na kami pumasok. Inilapag ko muli sa mesa ang notebook at marahan kong inuga-uga si Milan upang gisingin at palipatin na siya sa kama namin.


"Milan..." ang pabulong kong sabi upang gisingin siya, "Milan, lumipat ka na sa kama, doon ka na matulog." ang dadag kong sabi, pero mukang himbing na himbing si Milan sa pagtulog niya, marahil napagod din siya kahapon ngunit sa halip na magpahinga ay inasikaso pa niya ang pagkopya ng mga lectures at di ko maiwasang mangiti, "eh mas masipag ka pa sa akin sa ganitong bagay eh." ang pabulong kong sabi at hinalikan ko si Milan sa noo.


Dahil sa hindi magising si Milan at sa tingin ko ay di ko na din talaga dapat pa gisingin ay nag-isip na lamang ako ng paraan kung paano ko siya madadala sa kama, at wala na ko naisip pa kundi ang pasanin na lang siya, mas matangkad si Milan sa akin pero alam ko naman na kaya ko naman siya pasanin dahil napatumba ko na din naman siya dati. Inayos ko muna ang posisyon ni Milan at tiyaka ako pumwesto at ipinasan ko na siya.


"Grabe ang hirap mo pa lang buhatin kapag tulog ka BB." ang pabulong kong sabi habang pasan ko na siya patungo sa kama namin.


Nang makalapit na ako sa kama ay agad ko siyang inihiga ng marahan at maingat upang di na siya magising, sayang naman ang effort ko sa pagpasan sa kanya kung magigising din naman pala siya di ba? Nang maihiga ko na siya ng maayos ay kinumutan ko na siya at hinalikan ko siya sa kanyang labi, babalik pa sana ako mesa sa kusina upang iligpit yung mga gamit na naiwan doon pero bigla akong hinila ni Milan kaya napahiga ako sa tabi niya at nakita ko na nakadilat ang mga mata niya at nagkatitigan kaming dalawa.


"Nagising ba kita?" ang tanong ko sa kanya.


"Hindi naman, ang totoo kanina pa ako gising." ang sabi naman niya sa malambing na tinig.


"Ay sus kanina ka pa pala gising pinahirapan mo pa ko na buhatin ka dito." ang sabi ko sa kanya, babangon na sana ako pero iginapos niya ako sa yakap niya kaya naman nanatili kami sa ganoong posisyon.

Princess Prince IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon