THRONE: 03

3.7K 131 1
                                    

MILAN'S POINT OF VIEW:


Noong ikalawang araw namin ni Alastair sa inuupahan naming kwarto ay maaga akong nagising habang si Alastair ay tulog na tulog pa din sa aking tabi habang nakayakap siya sa akin at nakadantay pa ang mga paa nito, alam ko na napuyat siya dahil naramdaman ko ang pag-alis niya sa tabi ko kaninang madaling araw, hindi ko na lamang siya pinansin noon dahil marahil ay namamahay pa siya kaya naman hinayaan ko na lamang siya, alam ko din na lumabas siya pero sigurado naman ako na hanggang sa tapat lang siya ng kwarto namin mag-stay noon para magpahangin.


Dahan-dahan kong inialis ang pagkakayakap at pagkakadantay sa akin ni Alastair at nang maalis ko ay kinuha ko ang aking unan para ito ang magsilbing dantayan niya, at pagkatapos ay dahan-dahan na din akong bumangon at napatingin ako sa tulog na tulog pang si Alastair, simula noong naging kami ay ngayon ko lang siya napagmasdan nang natutulog, oo nakita ko na siyang natutulog dati pero ngayon ay mas iba dahil ito ang unang beses na natulog kami ng magkatabi, oo sa maniwala kayo at sa hindi ngayon lang talaga kami nagkatabi na matulog nitong si Alastair, pag sa bahay kasi siya natutulog ay doon pa din siya sa kwarto ng bunso kong kapatid na si Kiko pinapatulog at sila na ang magkatabi, minsan tuloy nagseselos na ko don sa kapatid kong yon kasi lagi silang kampi ni Alastair, pag sa bahay naman nila Alastair ako natutulog ay ganoon din sa guest room ako pinapatulog kaya naman ang umagang ito ay memorable para sa akin kaya naman naisipan ko na kuhanin ko ang cellphone ko at kinuhanan ko siya ng picture na agad kong ginawang wallpaper ng cellphone ko.


Ang cute talaga ng prinsesa ko, ang sabi ko sa isip ko habang tinitignan ko ang picture niya na wallpaper ko na, hinalikan ko ang picture niya sa cellphone ko at pagkatapos ay hinalikan ko din siya ng maingat para hindi siya magising, pagkahalik ko ay maingat akong bumaba sa kama namin para maghanda ng magiging almusal namin, para pag nagising siya ay makakain na din siya agad.


Bago ako magluto ay nagtoothbrush at hilamos na muna ako, nang matapos ay tiyaka na ako naghanda para sa pagluluto, chineck ko ang mga stock namin na pagkain at sangkap sa pagluluto, "Ay nakalimutan pala namin bumili ng mantika." ang sabi ko nang mapansin ko na walang mantika kaya naman kinuha ko ang wallet ko sa drawer at agad na akong lumabas para bumili sa tindahan, paglabas ko ng kwarto namin ay nakasabay ko na lumabas yung nangungupahan sa katabing kwarto namin na room 08, napatingin ako sa kanya, gusto ko sanang batiin siya pero mukhang wala sa mood dahil nakasalubong ang mga kilay nito noong napatingin din siya sa akin kaya naman sa halip na pansinin ay tinungo ko na lang ang hagdan pababa.


"Magandang umaga Milan, aga mo yatang nagising, nakatulog naman ba kayo ni Alastair ng mabuti?" ang bati ni ate Doris sa akin nang makita niya akong bumaba, na siya namang kasalukuyang nagwawalis sa bakuran ng paupahan niya.


"Ah opo, nakatulog naman po kami ng mabuti, si Alastair nga po ay tulog na tulog pa po." ang sabi ko naman bilang tugon sa kanya.


"Ah ganon ba, eh teka saan ba ang punta mo niyan?" ang tanong pa ni ate Doris sa akin.


"Ah bibili lang po ako ng mantika, nakalimutan po pala kasi namin na bumili noong namili kami bago kami lumipat dito." ang sabi ko bilang sagot.


"Ay ganon ba kung gusto mo ay bibigyan na lang kita?" ang alok ni ate Doris sa akin.


"Ay naku hindi na po, nakakahiya naman po, tiyaka baka po mamaya ay mawili kami haha bibili na lang po muna ako." ang sabi ko pa na medyo pabiro.

Princess Prince IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon